bc

INUMAN SESSION: IKAW, AKO AT ANG KAPE

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
mystery
city
like
intro-logo
Blurb

Love despite the age gap and tied hands. Can love that originated from a virtual world ever be in the real world? Can true love exist despite the world's opinion.

Anong susundin mo bulong ng isip o sigaw ng damdamin?

chap-preview
Free preview
KAPE
Nagkape ka na?" Sa tanong na yan una tayo naging magkaibigan. Sa bawat araw na lumipas at sa ilang tasang kape na pinagsaluhan habang naglalaro at nag uusap, natutunan kang mahalin. Di alintana kung umaga na. Basta masayang nag uusap at nagkwekwentuhan ng kahit anong maisip natin. Lumalamig ang mga kape pero umiinit ang nabubuong pagmamahal para sa iyo. Beer, kwek-kwek, masahe,pineapple juice, snowbear at kape. Ilan sa mga napag usapang nag-iwan ng tatak ng pagmamahal sa puso. Ang kape at ikaw naging bahagi ng buhay ko. Hindi na buo ang araw kung wala kayo dalawa. Hindi inaamin tunay na nararamdaman, iwinawaglit sa isip pagkat kamay ko'y nakatali. Hanggang di na maitanggi dahil kahit sa panaginip sumasagi ka na. Ngiti ang dala kapag nakita ko may mensahe galing sa yo. Inis kapag may ibang kausap ka. Napansin ng iba pero ayaw pa ring aminin. Gusto na kita pero itinatanggi. Hanggang di na napigilan at miski ikaw napansin na. "Usap tayo " sabi mo. Nagkape ng madaling araw. Marahil dala ng tapang ng kape nagkalakas loob amining gusto na kita. Init sa pakiramdam dala ng kape pero saya at sarap naman ang dulot ng inaming matagal mo na rin akong gusto. Nangangamba, natatakot pero sa kabila ng nakataling kamay naging tayo. Basta tayong dalawa, wala ka pakialam. Basta alam nating mahal ang isat isa walang dapat isipin. Paulit ulit mo sinasabi yan. Sinusubukan tanggalin ang alinlangan ko. Ramdam ko ang tunay na pagmamahal pero may humihila at pumipigil sa kin. Ilang beses tayo nagkasama at sa bawat pagkakataon na yun ipinaramdam mo ang pagmamahal mo. Masaya tayo, bumuo tayo ng mga pangarap, humihiling hindi lumipas ang oras. Sarili natin ang mundo. Ilang araw na kaakap ka, ilang araw na labi mo'y hinahagkan. Ilang araw na hiniling wag matapos. Magkatabi habang nagkakape. Haplos ang mukha mo. Sana araw-araw ganito tayo. Sana ang ilang araw maging araw-araw. Hindi ka nagkulang. Pero may alinlangan ako. Kahit masaya ako pilit ko inilalayo ang loob dahil sa mga kamay kong nkatali. Alam ko mahirap ang sitwasyon mo pero pilit mo ko hinawakan. Pilit mo ipinaglaban. Hindi lang isa o dalawang beses. Araw araw mo ko ipinaglalaban. Nagkasakit ako. Naisip na parusa sa kin. " Kasama mo ko sa laban... Andito lang ako. Mahal kita." Lagi mong sambit sa kin. Habang hinahawakan mo ang kamay ko at sinasamahan ako sa laban ko sa buhay ,pilit ako kumawala. Pinilit tanggapin ang mapait na katotohanan na wala tayo bukas. Mga kamay kong nakatali nung una, ngayon naman ang sakit ko. Tadhana ang naglalagay ng balakid sa tin. Kahit gusto ko magpatuloy kasama ka, mas nakinig ako sa bulong na bumitaw. Binitiwan ko ang kamay mo at iniwan ka mag isa sa byahe. Alam kong lumaban ka, alam ko sinubukan mo ko sundan at habulin pero iniwan kita sa byahe. Paglipas ng ilang libong hakbang marahil napagod ka na at hinayaan mo ako. Alam kong pinakawalan mo na ako, alam kong ginawa mo ang tama. Alam kong pinili mo lumayo hindi dahil di na ako mahal kundi dahil binigay ang akala mo ay lihim kong hinihiling. Lumaban sa pagsubok ng buhay. Pinilit magtagumpay kahit pakiramdam nag-iisa. Hindi naging madali. Nahirapan ako dahil yung pinagkukunan ko ng lakas na ikaw ay di ko na kasama. Sa mga oras na gusto ko sumuko sa laban ng buhay, hinihiling ko na sana hawak ko ang kamay mo. "Mahal kita" araw araw ko sinasabi sa yo sa isip ko. Buwan ang lumipas pero andito ka pa rin. Nakaipon ako ng lakas at inisip unahin ang sarili kaya sinubukan ko bumalik. Nagbakasakaling mahal mo pa ako.Tinapangan ko... " pwede pa ba? " Tinanggap mo ako pero ramdam kong may nag-iba. Wala na ang init at dati sigla. May kulang. Naisip na dala ng paninibago. Naisip dala ng gulat sa ipinapakita ko. Patuloy iniisip ano ang nagbago. Dumating ang araw na sinubukan mo ako iwan at talikuran. Katahimikan ang tanging naging sagot sa mga mensahe ko. Katahimikan na nakakabingi, katahimikan na unti unti dumurog sa puso ko. Katamikang isinisigaw na bumitaw ka na. Ilang araw walang tumakbo sa isip kundi ang mga tanong. Bakit? At kahit malinaw na tuluyan ka na bumitaw pilit pa rin hinanapan ng sagot ang mga tanong ko. Alam ko darating ang araw na ito pero hindi pa rin ako naging handa. Natagpuan na lang ang sarili na suot na ang dati mong sapatos. Ako na ngayon ang pilit umaabot ng kamay mo na kumakawala. Inamin mo ang totoo. Na mayroon ng iba. " Wala kasi tayo bukas " sagot sa tanong ko na bakit. " Gusto ko rin magkaroon ng akin. Yung buong buo na akin." Gumuho ang mundo ko. Sinubukan maging matatag, pilit tinanggap na wala ka na. Pero ayaw bumitaw ng puso. Pilit hinanapan ng sagot ang mga tanong ko at kahit sa labi mo na mismo nanggaling ang pagbitaw hindi ako pumayag. Ipaglalaban kita. Ako naman ang hindi susuko. Binalot ng sakit ang puso ko. Umapaw ang luha. Nadurog ako." Hindi ko kaya mawala ka'" paulit ulit kong sinambit. Sa gitna ng mga luha at hikbi naramdaman ko may onti pa espacio sa puso mo. Muling isinuot ang dati mong sapatos at namalimos. Hiniling na wag ako iwan hanggang di ko pa kaya bumitaw. Pumayag ka kahit parehas tayo naguguluhan. Dala ba ng awa o ng natitirang pagmamahal? Hindi ko alam. Muling narinig mula sa labi mo na mahal ako. Pero sukli na lang sa bawat sinasambit ko na pagmamahal sa yo. Hindi na tayo buo. Bumaliktad ang mundo natin. Ngayon ako ang namamalimos ng oras at panahon. Ako ang nakikihati. Ako ang humahawak sa kamay mong ramdam kong kumakawala. Mahirap nga pala talaga magmahal sa isang tao na alam mo walang bukas. Masakit magmamahal ng taong alam mo balang araw ay tatalikuran ka. Mahirap manghiram ng pagmamahal. Sa mga oras na alam ko na sya ang kasama mo, nadudurog ang puso ko. Pano ka ba bibitawan? Sabi mo mahal mo ako pero sya ang nagmamay-ari sa yo. Mahal mo nga ba ako o pinupukaw na lang ng awa ang puso mo. Natatakot ka rin ba mawala ako o natatakot ka bumalik ang sakit ko at isipin ikaw ang dahilan. Kapag kasama mo sya naiisip mo ba ako? Naiisip mo ba ang hirap na pinagdadaanan ko? Sino ba ang makasarili sa atin? Ako ba na ayaw ka pakawalan kahit meron ng iba o ikaw na sinasabing mahal ako pero kapiling nya. Nakiusap ako ihanda mo ako bitiwan ka pero pano kung pinupuno mo ng pag-asa ang puso ko? Pano ka pakakawalan? Dati ako ang una, ako ang mahalaga. Ako ang mundo mo- DATI. Ngayon hindi alam ano ang tamang lugar? Ano pa ba ako para sa yo? Mahirap magmahal ng di sa yo. Maraming magagandang pagkakataon at sandali. Mga araw at lugar na puno ng saya at pagmamahalan pero walang bakas. Walang kahit anong pdeng magpaalala ng mga kahapon natin. Tanging ala-ala. Walang magpapatunay na akin ka nuon. Lihim. Di maipagmamalaki. Di buo. Yan tayo nuon at ngayon. Nasasaktan ako pero wala masabihan. Nalulungkot pero di maipakita. Umiiyak pero itinatago. Dahil lihim tayo lihim din ang lahat. Sinisi ang sarili bakit ka pinakawalan nuon. Humihiling ng tahimik na sana akin ka na lang ulit. Humahawak sa tayo na di buo. Nung mga panahong akin ka ramdam ko ang tunay na pagmamahal. Tunay pero sa pagitan lang nating dalawa. Tunay pero walang bakas. Totoo pero hindi na buo ngayon. Pano ka pakakawalan?Pano ka bibitawan? Kaya ko ba mawala ka? Pano nga ba kakalimutan ang tayo? Paano? Mga libong tanong sa aking isipan habang hawak ang kape, nag iisip. "Tara kape tayo"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.7K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.3K
bc

OBSESSED WITH MY BILLIONAIRE UNCLE

read
24.5K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.1K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.4K
bc

The Don's Auctioned Bride

read
6.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook