bc

My Devil Husband

book_age16+
1.3K
FOLLOW
9.6K
READ
love-triangle
opposites attract
arranged marriage
badboy
bxg
lighthearted
campus
like
intro-logo
Blurb

She thought arranged marriages are just for Chinese. Pero nagkamali siya nang siya mismo ang ipinagkasundo ng sariling pamilya sa nag-iisang apong lalaki ng kaibigan ng Lolo niya. Ngunit hindi naging madali ang lahat dahil ang lalaking pakakasalan niya ay isang mayabang, arogante at masama ang ugali na walang ibang ginawa kundi inisin siya kapag nagtatagpo ang landas nila at ginagawa nito ang lahat ng paraan para lang mapaatras siya sa kasunduan.

Will their hate for each other eventually turn into love or will the hate gets worst that may cause war between the two families?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
‘Ang gwapo!' sigaw ng utak ko habang titig na titig sa lalaki na nasa harapan ko. Kaya lang, natauhan din naman agad ako nang maalala kong basta na lang pala siyang naupo at nakishare ng table sakin. "Excuse me?" I raised my eyebrows. Nandito ako ngayon sa isang restaurant at tahimik na kumakain ng favorite kong lasagna. I was having a sumptuous meal nang bigla na lang may lalaking walang pasintabing naupo at nakitable sa akin. Buti na lang gwapo siya! Singkit na mga mata, matangos na ilong, luscious lips na medyo mapula-pula pa na parang masarap halikan, makinis din yung balat niya at maputi. Namumula rin yung pisngi na parang baby. Mukha siyang artificial intelligence. In short, gwapo! Sobrang gwapo! And take note, humahapit sa katawan niya yung t-shirt na suot niya, mukhang alaga sa gym at physically fit talaga. "Done checking on me?" Nakangising tanong nito. Agad na napabalik bigla yung tingin ko sa gwapo niyang mukha niya. My face instantly heated out of embarrassment, kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin para hindi niya mahalata yung pagbablush ko. Mahirap na no! Ayoko namang isipin ng lalaking to na attracted ako sa kanya, kasi hindi naman no! I cleared my throat, para kasing may nagbara bigla sa lalamunan ko kaya hindi agad ako nakapagsalita. "FYI, I'm not checking on you," Tanggi ko with matching eyerolls pa. Of course I will never admit it. Bakit ko naman ipapahiya yung sarili ko? I'm not that crazy. Matapang na ibinalik ko yung tingin sa kanya to prove myself. But then, bigla niya na lang akong tinaasan ng kilay nang magtama yung mga mata namin. My eyes widened in surprise. At the same time, I got turned off immediately. Seriously, ngayon lang ako nakaencounter ng lalaking tinataasan ako ng kilay! Marc have never done that to me or kahit sila Dad and Lolo. "Sure," aroganteng sagot nito. Sinamaan ko siya ng tingin. “Excuse me?" medyo tumaas na yung boses ko. I hate that smirk on his face. Ang sarap burahin. Wala pa kaming limang minuto na magkausap pero ramdam na ramdam ko na yung kayabangan niya. Tsk! Ayoko pa naman sa lahat yung mga mayayabang na tao. Hindi naman porket gwapo siya, pwede na siyang magyabang at umasta na parang siya yung 'King of the World' kasi hindi naman. Kahit anong gawin niya, he will never rule the world, unless siya si Lucifer na nakadisguise lang. I rolled my eyes at that thought, mukhang hindi yon imposible. "Look, Mister. Can you go find another seat? You see, marami namang vacant table dyan so there's really no need to share with me," I said politely. Pinilit ko pang ngumiti sa kanya kahit na nag rerefuse yung mga muscles sa pisngi ko na mag stretch para lang ipakita sa kanya kung gaano ako ka-polite na tao. Pero imbis na sumagot siya, tinaasan niya lang ulit ako ng kilay habang nakasandal siya sa upuan at nakacross arms pa. Unbelievable! "This is my usual table. If there's someone who needs to move, it's you," he said with full of confidence and arrogance. I raised my eyebrows as well as I stared at him in disbelief. "Ikaw ba yung may-ari nito?" I countered then I mimicked him by folding my arms across my chest too, just to make myself look intimidating as he is. Umangat na naman yung gilid ng labi niya. Tumuwid siya sa pagkakaupo bago tinanggal niya sa pagkakacross yung mga braso niya. He then rested his arms on the table and stared at me. "What if I say yes, lilipat ka na ba?" he grinned. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. He's very suspicious. Kung totoong siya nga yung may-ari nito, dapat lang na lumipat na nga ako ng ibang table, dahil kahit anong idahilan ko, I'm pretty sure wala ring mangyayari at mali ako sa paningin nila. Kahit tama ako, siya lang rin yung papakinggan ng staffs dito, dahil siya yung boss at customer lang ako. I'm already considering for a retreat nang maalala ko bigla yung rights ko as a customer. Customer is always right nga pala! So, sorry na lang siya kasi hindi ako aalis dito. Umiling ako at sumandal sa upuan ko saka ko siya nginitian. "If you're really the boss, you should be the first one to know how to respect your customers, right? Haven't you heard the word customers comes first and customers are always right?" taas kilay na tanong ko. Ha! Akala niya ha. Matalino kaya ako, maganda pa. Confident ako sa pinaglalaban ko. Sabihin na nating petty, but he's being a jerk here at wala akong pasensiya sa mga katulad niya. However, mukhang hindi naman siya worried sa sinabi ko. He just rested his chin on his palm and calmly responded, "I would definitely do that,that is 'if' I'm the owner of this restaurant," he smirked mischievously. Sinamaan ko siya nang tingin. “But I'm not tho. And I don't care about the rules. I want this table so, get lost!” My blood boiled in an instant. Humigpit yung hawak ko sa tinidor at dumilim yung paningin ko. Wala pa akong naencounter na tayong sobrang sama ng ugali. Siya palang. Sayang yung kagwapuhan niya dahil sa bulok na ugali niya! Tsk! "You're not the owner so you don't have any right to chase me out. This is a first come first serve basis. Bakit? Nireserve mo ba tong table?!” I hissed. Pumikit ako at kinalma yung sarili ko. Konti na lang kasi at masasaksak ko na siya ng tinidor na hawak ko. "Just leave," sinabi nito imbis na sagutin yung tanong ko. “So, it's not reserved. The audacity!” gigil na sagot ko. Sobrang talim na nang tingin ko sa kanya pero parang mas lalo lang lumaki yung ngisi niya. “You want to share table with me that bad?” he suddenly asked. I gasped in disbelief. But before I could defend myself, nagpatuloy na siya sa sinasabi niya. “Sorry, but I don't like sharing, especially with someone like you," dagdag niya . Pinasadahan niya pa Ako nang tingin bago ngumiwi na parang nandidiri sa nakikita. Nabato ako sa kinauupuan ko. Iniinsulto ba ko nito?! And what's this disgusted look mean?! Excuse me lang ha! Pero sa ganda kong to? He must be blind! One of a kind kaya ang beauty ko at hindi basta basta nasisilayan ng ibang tao. At saka mas gwapo ng ilang ligo si Marc sa kanya no! Amoy baby power pa! Akala niya ba maiinsulto niya ko? Over my dead and gorgeous body! "Oh, I'm sorry to say this to you, too, but I don't like sharing with a narcissist and egotistical person like you!" I flipped my hair and rolled my eyes para mas intense. Wala ako sa pelikula at hindi ako si Maria Clara na mahinhin at basta-bastang magpapaapi na lang, Lalo na sa katulad niyang kamag-anak ni Lucifer! This is a matter of pride and dignity. Hindi ako magpapatalo sa entitled na tao. "Is that your way of getting my name?" umangat na naman ang gilid ng labi niya. Para akong sasabog sa sobrang inis ko. Pero bago pa ako makapagreact, naunahan na naman niya 'ko. "I'm Great Perkins. Leave me alone now,” he said arrogantly. “Move faster. I don't want to be associated with someone who looks like trash," dagdag pa niya na mas nagpakulo sa dugo ko. "How dare you call me a trash?!" hindi ko na napigilang sumigaw sa sobrang galit I don't care kung may nanonood na samin ngayon. No one have ever insulted me the way he did. How dare him! Tiningnan ko siya ng masama. Sobrang higpit na nang hawak ko sa tinidor at gustung-gusto ko nang tusukin yung mga mata niya. Pasalamat siya, may konsensya ako kaya never kong dudungisan yung kamay sa walang kwentang taong tulad niya. “Kung meron mang trash as atin, that's you! Take that dirty table. Diyan ka naman bagay!” I hissed before marching away. “Sumakit sana yang tiyan mo!” pahabol ko nang medyo makalayo na ako sa kanya. I lost my appetite kaya binayaran ko na lang yung bill ko at umalis na agad ng restaurant. I don't want to be in the same place with him dahil baka hindi na ako makapagpigil at mabato ko siya ng baso. "What happened?" tanong ni Marc pagkasakay ko sa kotse niya. Tinawagan ko kasi siya para magpasundo at para na rin maglabas ng frustration. Baka kasi mabaliw ako sa bahay kung kakaisip sa nangyari. Nagtake out kami ng pagkain sa fastfood bago kami pumunta sa park. Habang kumakain, sinabi ko yung buong nangyari kay Marc. "Can you believe it? Sinabihan niya akong mukhang basura, Marc! Me? Bulag ba siya? O baka may diperensiya yung mga mata niya kaya hindi niya nakikita yung mukhang to?!" turo ko sa sarili ko. "Sa ganda kong to?! Unbelievable!" tumigil ako sa harap ni Marc habang nakapatong ang dalawang kamay ko sa bewang ko saka umiling. Marc chuckled. Sinamaan ko siya tingin kaya tumigil siya. "I think he's just being honest," sabi pa nito. Parang sinilaban yung tenga ko sa narinig ko. Did I hear it right? Sinasang-ayunan niya ba yung sinabi ng Great Perkins na yun?! "Are you telling me na totoo yung sinabi niya na mukha akong basura?!" galit na tanong ko. Hindi siya sumagot pero ngiting ngiti siya bago nagkibit-balikat. I pursed my lips and glared at him. Hindi na ako nagsalita at pumikit na lamang bago huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ayoko nang mastress, nakakapangit. Kamukha ko pa naman si Bae Suzy kaya kailangan kong maintain tong kagandahan ko! Dumilat lang ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinila patayo. “T-teka!" naguguluhang saway ko, inalis ko yung hawak niya sa kamay ko. "Saan tayo pupunta?" I queried. "The usual," he winked at me, then held my hand again and dragged me to the parking lot. Nagwala ang puso ko. I was taken aback by that sudden wink of Marc. Nakalimutan ko tuloy bigla yung inis ko. I bit my lips as I stared at our intertwined hands at hindi ko na mapigilang kiligin. We stopped in front of my favorite ice cream shop near the park. Napangiti ako. He really knows me so well. "Anong flavor?" tanong ni Marc nang nasa tapat na kami ng counter. Tinignan ko isa-isa yung mga flavors sa display at halos lahat na ng flavors natikman ko na since regular na kami dito ni Marc. Then, my eyes landed on cookie monster gelato ice cream and realized I haven't tried it. Pero parang two scoops na lang siya kaya Hindi na ko nagdalawang isip pa. "Cookie mons--" “Cookie monster” Hindi ko natapos yung sasabihin ko nang marinig ko yung lalaki sa tapat ng cashier. Napasimangot ako. Tahimik ko na lang pinanood mawala yung ice cream sa container. "Anong flavor, Honey?" ulit na tanong ni Marc. I sighed and settled for banoffee pie. Tumingin ako sa lalaking nakakuha ng huling serving ng cookie monster at nanlaki na lang yung mga mata ko nang mamukhaan ko kung sino yun. That arrogant smirk! My blood boiled once again. Nakalimutan ko na yung frustration ko pero agad itong bumalik nang bigla niyang inangat yung ice cream na hawak niya na parang nang-aasar.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook