bc

Saving Kaia

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
friends to lovers
drama
tragedy
comedy
bxg
highschool
childhood crush
enimies to lovers
school
like
intro-logo
Blurb

Kaia Villanueva and Eries de Guzman has been best of friends since they were 5, but fate wasn't on their side so at some point, they have drifted apart. However, the universe has it's way and let them meet again after a few years.

One day, Eries accidentally read Kaia's diary and found out her deepest and darkest secrets that made him want to save and protect her childhood friend at all cost. Little did they know, it'll lead them to something they didn't expect to happen.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
7:30AM Grade 9 | Auradon High School "Shemay, bakit ba kasi hindi binubuksan ang elevator sa school na 'to? hagardo versoza na bago pa makarating sa 7th floor amp." Habang nagpupunas ng pawis ay biglang tumunog ang aking telepono. "Ano na naman ba Faye, mamaya na yang chika mo hihikain na ata ako bago pa makarating diyan." pabiro kong saad sa kanya. "Sira, bilisan mo. Tumakbo ka na, mamaya ka na huminga nandito na si Ma'am Cherry binibigyan ka na lang niya ng 3 minutes." Mahina naman akong napamura, pilit na iniisip kung paano ako makakarating sa science laboratory sa loob ng tatlong minuto. Kahit nahihirapan na sa paghinga ay mabilis kong tinahak ang matarik na hagdan. Hindi ako nagbibiro, nararamdaman kong kakailanganin ko na naman ang inhaler ko. "Magandang umaga binibining Villanueva, muntikan ka ng mahuli sa ating klase ah. Ganyan ba ang isang huwarang estudyante? Nauuna pang dumating ang guro kaysa sa 'yo?" Malalim muna akong huminga at pumikit bago ngitian itong si Ma'am Cherry, na halata ang pagkadisgusto sa akin sa hindi ko malamang dahilan. "Sorry po." Inirapan lamang siya nito at muling pinaypayan ang sarili kahit halos parang nasa North Pole ka na sa lamig ng hangin na ibinubuga nung aircon. "Anyway, gaya nga ng sabi ko ay by pair ang magiging experiment niyo this week. Now, magsitayo na kayo at pumunta sa kanya-kanya niyong assigned partner. Binibining Villanueva ang iyong kapares ay ang ating transferee na si ginoong de Guzman, baka maya maya lamang ay nandito na rin yun." Bigla akong napatigil sa paglalakad at tila mas dumoble pa ang bilis ng t***k ng puso to the point na naririnig ko na din itong pumapantig sa aking tainga. Hindi naman siguro siya yun, sa dami ng de Guzman ang apilyido sa Pilipinas napaka-imposibleng siya yun. Lord, hindi naman po siya yun diba? Kung pinaglayo mo na po kami, hindi mo na po kami pagtatagpuin ulit diba? Joke lang naman po yung kagabi na na-miss ko yung lalaki na yun. Hindi ko alam kung malakas o mahina ba ako kay Lord, kasi saktong pag-upo ko bigla na lang lumitaw sa tabi ni Ma'am Cherry yung lalaking sobra sobrang sinaktan at pinasama ang loob ko. Matapos siyang ipakilala sa klase ay pinaupo na siya sa tabi ko, at ang gunggong nakuha pa talaga akong ngitian at kausapin. " Long time no see. Kumusta ka?" Nagkibit balikat lamang ako sa kanya, sa dami ng nangyari sa nakaraang ilang taon hanggang ngayon hindi ko alam kung okay lang ba ako o hindi. "Ikaw, kumusta?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya. "Sobra sobrang okay." Sabay ngiti pa nito sa akin at lumabas na naman ang malalim niyang dimples. "Good for you." I told him, tapos ay muli ko ng binalingan ang module na iniabot ni Ma'am Cherry. Ngayon damang-dama ko yung lyrics sa kanta ni Mareng Olivia, "good for you, you look happy and healthy, not me." Ewan ko ba naman kasi, simula nung umalis siya sa buhay ko nagkandaleche leche na ang lahat. At salamat na nga lang din at pinagsimula na kami sa experiment namin dahil hindi ko kailangan makipagkwentuhan kay Eries na akala mo ayos lang ang lahat sa pagitan namin. Pakiramdam ko ay sobrang bagal ng oras, kaya naman noong tumunog ang bell ay dali dali kong iniligpit ang gamit ko at tumakbo papunta sa classroom namin na nasa 4th floor, basta ko na lang isinalampak ang gamit ko sa sahig at dumukdok sa lamesa ko. "Bhie..." Agad akong napamulat lalo na ng maramdaman kong pumulupot ang kamat niya sa baywang ko. "Oh Paul, wala ka sa chem class kanina." "Na-late ako ng gising bhie. Nga pala may assignment ka ba sa trigo? Siyempre meron yan, gawa mo ako ha, kitain ko lang sa cafeteria sila Aljon. Thanks bhie, labyu." Sabay halik sa pisngi ko na siya namang ikinapula ko. Shizz, tanga hulog na hulog ako. "Bobo. Bobo. Bobo." "Faye, kung sesermonan mo lang din ako---" Tinapat niya ang hintuturo malapit sa labi ko at hindi niya ako pintapos magsalita. "Hay nako Kaia Villanueva pinapaikot ka lang niyang si Paul para may taga gawa siya ng requirements. Ewan ko ba naman sa 'yo, matalino ka naman sana pero nagpapakatanga ka diyan sa taong sasaktan ka lang din sa huli." Pinagpatuloy ko lang ang paggawa ng assignment ni Paul sa trigonometry, habang pinapakinggan dumakdak si Faye. "Eh diba gagawin mo naman lahat para sa taong mahal mo?" "Na hindi ka naman mahal kasi may mahal ng iba. Sinamahan mo pang bumili ng pangregalo sa nililigawan niya. Tanga ka nga talaga. Ay hindi nagbubulag-bulagan ka. Wake up girl! Gising!" Niyugyog niya pa ang mga balikat ko. "Huwag kang bigay ng bigay, Kaia. Mauubos ka niyan." Nginitian ko na lang siya. "Alam ko naman ang ginagawa ko. Dito ako masaya Faye, eh ano kung masaktan ako sa huli. Diba ang mahalaga naman ay yung sumaya ako sa kanya. Hayaan mo na lang ako." "Hopeless case ka na. Sobrang lala, i cannot!" Bumuntong hininga ito at niyakap ako. "Basta, nandito lang ako always. Okie? No matter what and no matter where." Niyakap ko siya pabalik. Pero hindi ako naniniwala, nothing lasts forever. Alam kong hindi totoo ang "nandito lang ako always." Dahil wala naman talagang nagtatagal na ganiyan, people always come and go, and even best of friends drift apart, no matter kung gaano na katagal, kahit dekada na ang binilang ng pagkakaibigan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
94.9K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.5K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
235.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
126.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook