bc

The Game of Love

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
age gap
independent
drama
bxg
campus
highschool
realistic earth
first love
school
passionate
like
intro-logo
Blurb

We take a risk for love even if it is long distance relationship or not.

As Abby wants to escape from reality she tried playing games and met a guy from another place. Does long distance relationship will work for them?

chap-preview
Free preview
Where is she?
Janine’s POV Sa bawat pagdilat ng aking mata, sinag ng araw ang unang bumubungad sa akin. Kung gaano kaliwanag ang aking umaga ay siya namang kay dilim ng buhay ko. Halos araw-araw hinahanap ko ang sigla at saya na mayroon ako dati. Sa pag gising ko kasi ngayon, gusto ko na lang ulit matulog. "Janine bumangon ka na jan may pasok ka pa." gising sa akin ni manang ng makitang nakahiga pa ako sa kama. "manang pwede bang wag na lang akong pumasok?" tanong ko at nagtalubkob ng kumot. "Ija, tayo'y mapapagalitan ng iyong mommy." nais mo bang mangyari yun?" tanong nito sa akin. Matagal ng naninilbihan si manang Selya sa amin kung kayat napamahal na din siya sa akin. Agad akong bumangon at walang ganang pumasok ng cr para maligo at nag ayos ng konti. Paglabas ko ng cr ay wala na si manang Selya naupo muna ako sa harap ng vanity ko at tinignan ang sarili. Nakasuot ako ng white robe habang ang mahaba at basa kong buhok ay nakabalot ng puting towel. Nilibot ko ang aking mata sa malawak na kwarto ko. Kulay pink ito at ang mga gamit ko ay puti. Tatlong pinto ang kwarto ko ang isa ay papuntang cr at ang katabi nito ay ang aking walk in closet at ang isa naman ay pinto ng kwarto ko. Aanhin ko ang kwarto kong malawak at malaking bahay kung wala naman akong makausap. Napabuntong hininga na lang ako at inabot ang lotion saka inapply sa legs at kamay ko. Nagbihis na din ako ng uniform ko pagkatapos. Isa akong nursing student at suot ko ang kulay puting uniform ko white stockings at white shoes. Nilugay ko na din ang buhok ko at pinatuyo bago ipusod. Kinuha ko na ang bag ko pati na rin ang phone ko tsaka bumaba. “Manang asan si mommy at daddy?” Tanong ko kay manang na nagpupunas sa salas. “Kakaalis lamang nila ija. Hindi ka na nahintay dahil may meeting daw sila sa hospital. Kakain ka na ba?” Tanong nito. Ngumiti na lang ako at umiling bilang sagot. “Hindi na manang sa school na lang po ako kakain baka malate pa ako.” Sambit ko bago lumabas ng bahay. “Magandang umaga madam!” Bati sa akin ng driver namin na nagkakape. “Kuya hatid mo na lang ako sa sakayan. Gusto ko magcommute ngayon.” Sabi ko sa driver namin na si mang Domeng. “Sigurado po ba kayo madam?” Tanong nito. “Oo kuya. Wag mo na rin sabihin kila mom ng di ka mapagalitan.” Sabi ko na lang. Napakamot siya ng ulo at sumunod sa utos ko. Nang maihatid ako ay nag antay na ako ng jeep papuntang Damian Medical University. Papasok pa lang ako ng room naririnig ko na mga boses ng mga kaklase ko lalo na si Cherry. “MID MID!” Rinig kong sigaw nito. Nakaupo siya sa mga kaklase naman na nakahawak ng phone at mukhang naglalaro din. Naupo na ako sa bandang likod at isinaksak ang airpods sa dalawang tenga. Tumingin ako sa labas ng bintana at ang kaninang maliwanag na ulap ay unti-unti nang nagdidilim. “Victory!” Tili ng mga nasa kabilang side kasama si Cherry. “Hoy! Janine!” Tawag nito sa akin tinignan ko lamang siya habang papalapit sa akin at naupo sa tabi ko. “Kanina ka pa?” Tanong niya. Since wala naman akong pliniplay na music at trip ko lang ilagay yung airpods sa tenga ko ay rinig ko siya. “Sakto lang.” maikling sagot ko. Napairap na lang siya at tumingin sa harap. “Alam mo miss ko na yun Janine na kaibigan ko asan na ba siya?” Tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot at tumingin na lang sa labas. Asan na nga ba siya? “Naging maganda nga ang buhay mo siya namang pagkasawi ng puso mo.” Sabi pa nito. “Subukan mo kaya maglaro? Online games ganern may pc ka naman diba?” Tanong nito. “Oo mayroon pero hindi ako interesado maglaro.” Sagot ko sakaniya. “Try mo lang naman e. Play ka fivem madami kang makakausap at makikilala doon.” Pag iinganyo niya. “Pag iisipan ko.” Sagot ko *** Natapos ang klase at umuwi na din ako tinatapos ko na din mga homeworks ko ng mapatingin ako sa pc ko sa gilid ng kama. Try mo lang naman e. Play ka fivem madami kang makakausap at makikilala doon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K
bc

His Obsession

read
70.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook