bc

AURORA

book_age16+
10
FOLLOW
1K
READ
murder
bxg
mystery
small town
supernature earth
superpower
supernatural
tortured
victim
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Sa lugar ng Sityo Balerio, nakatira ang isang lalaki na may asawang ubod nang ganda, na si Ayera. Ang mga tao sa kanila ay nagtataka kung paano niya ito naging asawa sa kabila ng isa lamang siyang hamak na mangangaso na may hindi kanais-nais na mukha.

Sila ay nagkaroon ng supling na nagngangalang Aurora. Siya ay biniyayaan ng makinis at magandang pangangatawan na bukod-tangi niyang namana sa kaniyang ina. Dahil sa itim na belo nakakubli ang kaniyang mukha na siyang namana niya sa kaniyang ama. Tanging ang mga mata lamang niya ang nakalabas.

Siya ay lumaki kasama ang ina ng ilang taon lamang at hindi na kahit kailan pa nadagdagan. Dahil ito sa  kahindik-hindik na pangyayari, na ang batang si Aurora mismo ang nakasaksi.

"Ang mga bagay na mahirap ipaliwanag ay dapat na manatili lamang sa akin." Saad niya habang patuloy na umaagos ang kaniyang luha.

Hanggang siya ay magdalaga kasama ang ama. Si Proseo, na lagi siyang inuutusan na lumabas para pumunta sa bayan. Siya ay saglit na tatapunan ng tingin ng mga tao roon at mabilis ding lalayo sa kaniya. Halos ibaon na niya sa lupa ang mukha niya tuwing nangyayari iyon.

Ngunit isang araw matapos niyang pumunta sa bayan ay may isang lalaking sumunod sa kaniya papunta sa  kanilang sityo. Paulit-ulit siyang tinawag nito at nagpakilala habang naglalakad.

Acillito ang pangalan nito, sinundan niya si Aurora dahil sa labis na kaniyang pagtataka sa kaniyang nasaksihan sa bayan. Gusto niyang tanungin ang dalaga at masilayan ang mukha nito, pero puro iling at natatakot na pahiwatig ang ipinapakita ng mga mata ni Aurora.

Hindi parin mawala sa isip ng binatang si Acillito ang ipinahiwatig ni Aurora. Kaya, pinuntahan niya ito mismo sa Sityo Balerio at ipinagtanong kung saan ang bahay ni Aurora. Nagtagumpay naman siya sa paghahanap sa dalaga.

At sa araw na iyon, ang naging hudyat ni Aurora na ipakita kay Acillito ang dalawang kinatatakutan niya.

Una ang kaniyang mukha at ang pangyayaring nakakitil sa buhay ng kaniyang ina.

chap-preview
Free preview
ANG SIMULA
SIMULA "Anong ipapangalan mo sa kaniya, Ayera?" Tanong ng kumadrona habang hindi inaalis ang tingin sa sanggol. "Aurora ho..." Nanghihinang sagot ni Ayera. Tumango ang kumadrona at bumaling sa asawang nitong nakatayo sa harapan nila. Bumaling din ito sa kaniya at nagpukol ng malalim na tingin gamit ang nakakatakot niyang mga mata. "Malayo sa mukha ni Ayera." Sambit sa isip ng kumadrona at dali-dali itong tumayo mula sa kawayang sahig. Ni hindi na niya inisip ang bayad sa pagpapaanak at mabilis na nagpaalam sa mag-asawa bago umalis. Mabilis ang lakad niya upang makalayo agad sa bahay ng mangangasong, si Proseo. "Saan ka galing?" Tanong ng kakilala niya nang makarating siya sa may ilaw na parte ng Sitio Balerio. "Nanganak na si Ayera!" Natatarantang saad niya. "Diyos ko po! Nabuntis din pala iyon ng lalaking 'yon?" "Oo, hinabol pa nga ako ni Proseo para sabihing manganganak na si Ayera." Sabay silang naglakad at patuloy na nag-usap. "Hindi ako makapaniwala na naging asawa niya si Proseo. Alam kong ulila na siya sa kaniyang ama't ina, ngunit hindi ko inaasahan na sasama siya sa lalaking iyon. Maraming mayayaman at may itsurang lalaki ang gustong mapangasawa si Ayera. Sa tutuusin maaari siyang mamili sa sobrang dami." Walang humpay na pag-uusap nilang dalawa at naglakad patungo sa kanilang bahay. Kinabukasan ay dumagdag na rin sa usapan ng mga tao sa Sitio Balerio ang panganganak ni Ayera ng isang sanggol na babae. Naipakalat na rin sa buong lugar ang kakaibang mukha ng anak nila Proseo at Ayera. Maging ang pangalan nito na Aurora. Samantalang si Ayera ay nakapukol ang tingin sa kaniyang anak. Isang-taong pamamalagi sa piling ni Proseo sa hindi niya malamang dahilan. Patuloy ang agos ng kaniyang luha dahil sa tuwang nararamdaman habang pinagmamasdan ang anak. "Aurora, napakaganda mo." Saad niya. Para sa kaniya ay maganda si Aurora dahil ito ay nanggaling sa kaniya. Inangat niya ang kaniyang tingin sa asawa at siya ay tumingin na parang bang nagtatanong. Tila ba may napagtanto si Ayera habang pinagmamasdan ang mukha nito. Umigting ang panga ni Proseo habang nakasandal sa dingding. Mabilis siyang umalis at pumunta sa likod bahay. At kahit masakit pa ang katawan ni Ayera ay dahan-dahan itong tumayo sa pagkakahiga at mabilis na sinundan ang asawa. Naabutan niya itong may hinahanap sa ilalim ng lamesang kahoy kung saan may iba't ibang bote na may kakaibang mga laman. "Proseo? Hindi ba?" Tanong ni Ayera na tila ba ngayon niya lang nalaman ang pangalan ng asawa. May nagbago sa takbo ng isip niya nang masilayan niya kanina ang kaniyang anak. Hindi siya pinansin ng asawa at patuloy lamang itong naghahanap sa likod bahay. Ilang saglit pa'y na nahanap na ni Proseo ang nais niya. Isang boteng may likidong kulay pula at medyo nagmamantika. Hinawakan niya ito at lumapit kay Ayera na ngayon ay nagtataka na. Mahigpit niya itong hinawakan sa palapulsuhan. "Bakit ka sumunod sa akin? Halika bumalik tayo sa loob at may ipaiinom ako sa'yo." Malambing ang bawat bigkas ni Proseo at marahan niyang pinapasok sa loob ng bahay nila si Ayera. Ipinahiga niya muli si Ayera at inasikaso ang gusto niyang ipainom sa asawa. Maya-maya pa ay bitbit na ni Proseo ang baso na may unuming pula. Kumunot ang noo ni Aurora nang mapansin ito. "Ano 'yan?" Umigting muli ang panga ni Proseo dahil sa tanong ni Ayera. Siya ay nagbuntong hininga at sinagot ang asawa. "Inumin mo iyan, para bumalik ang lakas ng katawan mo." Tumango si Ayera at mabagal na ininom ang likido. Wala itong amoy ngunit kung ito ay iyong makikita ay talagang mapapaayaw ka. Ilang saglit pa ay unti-unting nakatulog si Ayera katabi ang munti niyang angel na nabuo ng hindi niya alam at hindi man lang nanghingi ng permiso sa kaniya. Habang tulog ang mag-ina ni Proseo ay tahimik niya itong pinagmamasdan at kasabay nito siya ay na nanalangin sa mga pinaniniwalaan niya na sana... Wala ni isa sa mga minamahal niya ang makaalam sa mga tinatago niyang sikreto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

His Obsession

read
71.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook