bc

Addicted To You

book_age18+
27
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Nang mawala sa buhay ni Jacky ang kaniyang mahal na ina ay parang nawala na rin sa kaniya ang lahat. Inilabas niya ang lahat ng saloobin niya sa puntod ng ina ng araw na iyon dahil hindi na niya alam ang gagawin. Hindi niya alam na may lalaki pala na nakikinig sa kaniya. Si Keizer Villanueva. Ang lalaking pinaka kinaiinisan niya. At ganoon din ito sa kaniya. Para silang tubig at langis. Then Keizer offered her a job. Pero bakit bigla itong nagbibigay ng tulong sa kaniya? Ah, para lamang siguro makaganti ito sa kaniya.

Pero dahil sa nanganganib na ang kaniyang pag-aaral ay tinanggap niya ang trabahong inaalok nito. Alam na niyang impyerno ang pupuntahan niya... pero nagkamali siya sa isiping iyon nang makilala niya ang totoong Keizer Villanueva. May bahagi pa sa kaniyang isip na ayaw na niyang lumayo dito...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHAPTER 1   “Jacky, bakit ang tahimik mo?” Sabay siko sa kanya ng kaibigan niyang si Hana nang mapansin ang pagkatahimik niya. “Wala. Iniisip ko lang `yong isinagot ko kanina sa quiz natin. Mali ata.” Alibi niya. “Urgh. Ikakamatay ko `ata ang college life!” Sabay higa ni Hana sa malinis na damuhan ng soccer field ng University kung saan sila nakatambay. “Ako rin, Ikakamatay ko rin.” Pagsang-ayon ni Jacky sa kaibigan dahil sobrang laki ng kaniyang problema. Maigi si Hana, nahihirapan lang ito sa subjects nila. Samantalang siya, stress na nga siya sa kurso niyang Information Technology, stress pa siya kung saan siya kukuha ng pang tuition niya sa susunod na buwan at sa susunod na taon. Dagdag pa ang budget niya sa araw-araw at sa bahay na tinitirhan niya. Nang mawala ang ina niya ay nawala na rin ang lahat sa kanya. Wala nang nagpapaaral sa kanya. Wala na ang bahay na tinitirhan niya. Ultimo iyong titulo ng lupa nila ay nakasangla pala. Ang natira na lamang sa kanya ay ang sasakyan niyang uugod-ugod na Volks na may pagkakataon pang itinitirik siya sa gitna ng daan. Sa gabi naman ay may part time job siya sa isang coffee shop. Pero hindi sapat ang kinikita niya roon dahil working student lang siya. Doon na lamang siya kumukuha ng pangkain niya sa araw-araw. Ang ginagamit naman niyang budget para sa mga school works ay ang pagi-sketch. Extra income niya iyon pero bihira lang naman ang may magpa-sketch sa kanya dahil iyong iba hindi kaya ang presyong ibinibigay niya. Kung alam lang sana ng ibang tao kung gaano kamahal ang mga art materials… tapos dugo't pawis pa ang inilalaan para matapos ang isang obra. Pati puso at buong kaluluwa niya inaalay niya sa mga art works niya para maganda ang resulta. Tapos babaratin lang siya. Kaya hindi rin niya maiwasang hindi maging miserable kapag naaalala ang pagkamatay ng kanyang ina. Hindi naman masama ang loob niya dahil sa wala itong iniwan sa kanya. Masama ang loob niya dahil kailangan niyang pag daanan ang ganitong bagay. Ngayon niya nararamdaman kung paano ang buhay ng mahirap. “Ayokong magstop sa pag-aaral.” Aniya sa sarili at niyakap ang sariling binti. Tinitigan niya ang kaibigan habang nakatulog na sa damuhan. Isang oras pa naman bago ang sunod nilang subject kaya nahiga na rin siya. Hindi na alam ni Jacky kung ano ang gagawin niya. Pero bigla niyang naalala si Keizer. Pero bigla rin siyang umiling at inalis sa isip ang hitsura ng lalaking iyon at ang sinabi sa kanya nito noong isang araw. Sa lahat, ito lang ang nakakaalam ng pagiging miserable niya at lahat ng problema niya lalo na sa pinansyal. Paano? Noong minsang dinalaw niya ang puntod ng ina niya ay inilabas niyang lahat ang kanyang saloobin at pinagdadaanan nang kahit papaano naman ay mawala ng kaunti ang bigat na nararamdaman niya. Ang hudas na si Keizer pala ay nasa likod lang niya at nakikinig. May dalang bulaklak at para na rin magtirik ng kandila para sa ina niya. “I can offer you a job if you want.” Anito. Binigyan niya ito ng matalim na tingin. “Ayokong magkaroon ng utang na loob sa `yo.” Asik niya. “What? Hindi naman iyon utang na loob. Trabaho ang ino-offer ko sa 'yo. Magtatrabaho ka lang sa akin at su-swelduhan kita. As simple as that.” Mahabang paliwanag nito. “Ano namang klaseng trabaho?” Hindi niya pinahalatang interesado siya. “Personal Assistant.” Nakapamulsang sagot nito. “You'll work for me after your class. Half day lang naman ang sched mo from Monday to Friday, right?” Kumunot ang noo ni Jacky. "Paano mo nalaman ang schedule ko? Stalker ba kita?" Pumalatak ng tawa si Keizer. Nakakainsultong tawa. “What the hell?” Tawang-tawa pa rin ito at saka tumikhim. “Aside your salary, may meal and transpo allowance ka pa. But, you have to stay in my place dahil akin ang weekends mo.” Nagtatalo ang isip ni Jacky kung tatanggapin ba niya ang inaalok nito o hindi. Pero magkano ba ang offer nito? “Magkano ba ang offer mo?” Binigyan niya ito ng nanghahamon na tingin. “Hmm, interesado ka na?” Ganting tanong nito. “Just answer my question.” Asar niyang sagot. “Calm down there, lady.” Tumikhim ulit ito. “How about sixty thousand?” Napanganga si Jacky. “Sixty thousand monthly?” Pagsisigurado niya. “Yes.” Pagkumpirma nito. Nanahimik ng kaunti si Jacky. Sixty thousand, makakatulong na iyon sa lahat ng pangangailangan niya! Mababayaran din ang educational loan niya pag nagkataon! Pero napakunot ang noo niya. “But why are you doing this?” Curious niyang tanong. “I'm just helping.” Anito at mukha namang sincere. And why so sudden? They hate each other since high school days. Tapos ngayon gusto siya nitong tulungan? What the hell is going on? At ngayon naalala niya kung gaano niya ito kinaiinisan mula dati at hanggang ngayon. At nang maalala lahat-lahat ay lalong nagpa-ayaw sa kaniya na tanggapin ang inaalok nito. “Thank you anyway but I can do this. Kaya ko ang sarili ko. Salamat ulit sa offer.” Aniya at nilampasan na ito. “Fine. Pero if you ever changed your mind here's my calling card.” Sabay abot sa kaniya ni Keizer ng sosyal na itim na calling card diumano nito. Wow. Even his calling card mukhang sosyal. Hinablot niya iyon at wala nang lingon na nagmartsa siya palayo kay Keizer. Iniwanan na niya ito at pumasok na sa loob ng sasakyan. Binuhay na niya ang makina at humarurot na palayo. “Conceited jerk. I'm just helping pang mukha mo, eh, gusto mo lang akong gantihan at gawing kawawa. Utot mo, Keizer. Personal Assistant at sixty thousand kamo? Malamang baka kung ano-ano ang ipapagawa niya sa akin hanggang sa sumuko ako at humingi ng tawad sa kanya. Pwes, nagkakamali siya. Kaya ko `to. `Di ko kaylangang magpaka alila sa kanya para lang malampasan ko ang problema ko sa pera." Sabay paharurot niya ng Volks na sasakyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook