bc

Concealed Love

book_age12+
29
FOLLOW
1K
READ
sweet
lighthearted
straight
city
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Ang pagmamahal sa maling tao ay isang karanasan na hindi natin gustong pagdaanan dahil napakasakit at aakalain mong hindi ka na muling magmamahal pa. Ngunit paano kung sa panahon na nagdesisyon kang hindi na muli iibig ay dumating ang tao na nasa huli sa listahan mo ng taong mamahalin mo.

Love is an unconditional commitment to an imperfect person. To love somebody isn't just a strong feeling, it is a decision, a judgement and a promise."

chap-preview
Free preview
Chapter 1
=========================================================================   "Hoy! Narshey Montecillo! Buksan mo to!" rinig kong sigaw ng isang babae sa labas ng pintuan ng apartment ko habang patuloy siya sa pagkalampag ng pinto. I lazily stood up and walked towards the door para buksan ito. I saw her, my bestfriend standing right outside my door while staring disgustedly at me. "What are you doing here?" tanong ko sa kanya sabay talikod. Naglakad ako pabalik sa loob at saka humiga muli sa sopa. "Oh My God! Shey! Hanggang kailan mo balak maging miserable ha?" panimula niya nang makapasok siya sa loob ng apartment ko.  "Simula nang iniwan ka ng Lance na yun, itinapon mo na ang magandang buhay na meron ka! Come on, Shey! Maawa ka naman sa sarili mo" dugtong niya. Hindi ko naman talaga ginustong maging miserable ang buhay ko, pero simula nung iwan ako ni Lance at ipagpalit sa ibang babae feeling ko ayoko na mabuhay. Lahat ng oras at pagmamahal ko ay ibinuhos ko sa kanya, halos sa kanya na nga umikot ang buhay ko kaya naman nung iniwan niya ako, gumuho ang buhay ko. Ilang buwan na rin simula nung iwan niya ako pero hindi pa rin ako makamove-on, ganito ba talaga kasakit ang magmahal? "Les.. sabihin mo nga, ganon niya ba talaga kamahal ang babaeng yun at nagawa niyang itapon ang limang taon naming pagsasama?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya "Best~" malumanay niyang tawag sa akin bago umupo sa harap ng sopa na hinihigaan ko. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at pagka-awa sa sitwasyon ko. "Alam mo best kahit anong gawin ko, I can't forget him dahil sobrang mahal ko siya"  "Best.. wag mo sayangin ang luha mo sa walang kwentong Lance na yun! You still have a lot of things ahead of you"  "Pero Best, paano? Saan ako magsisimula?"  "Go and fix yourself. Sisimulan natin sa Reunion ng Class of '10,  sigurado akong aattend doon si Lance, ipakita mo sa kaniya na wala lang sayo ang nangyari sa inyo."  "I don't think, I can do that" "Gawin mo, Best! Para sayo din to"  Tumango ako sa kanya at ngumiti ng pilit.  "O siya, tama na ang drama! Maglinis na tayo dahil sobrang dumi nitong Apartment mo, kung apartment pa ba ang tawag dito? parang bodega eh" pag-bibiro niya sabay tawa ng malakas. Napatawa na lang ako habang umiiling. ========================================================================= "Saan ba yung bwisit na salon na 'yon? kanina pa ako paikot-ikot dito" reklamo ko habang naglalakad. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makita ko ang isang salon na may malaking signboard sa harap kung saan nakasulat ang "Queens Salon". Pumasok ako sa loob at saka nagtingin-tingin  "Welcome Miss, What can I do for you?" tugon ng isang babae sa akin. Napansin ata niyang kanina pa ako nakatayo dito sa may pintuan. "Hi.. ahm.. My friend, Leslie Peralta recommended me this salon and----"  "Oh~ Are you Ms. Narshey Montecillo?" pagputol niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Agad naman niya akong sinenyasan na sumunod sa kanya papunta sa may bayaran. Teka? Bayad agad? di pa nga ako naaayusan?  "Sir Viel~ Ms. Peralta's friend is here" sambit niya bago ako iniwan sa may harap ng cashier. Maya-maya pa ay lumabas ang isang gwapong lalake na naka-suit, teka.. parang kilala ko siya?  "Wait~ have we met before cause you seem familiar" tanong ko sa kanya Ngumiti siya sa akin at saka tumawa ng mahina. Nakakaloko to ah? Tawanan ba naman ako? Pasalamat siya gwapo siya! Inirapan ko siya saka ako humalukipkip. "Sorry~ natawa lang ako.. Ikaw si Shey right? I'm Viel Corpuz~ She asked me to help you" sabi niya sabay tango. Huminga ako ng malalim saka ibinaba ang mga kamay ko at ngumiti sa kanya. "Lahat ng nagpapamake-over sa salon namin ipinapasok namin sa isang black room kung saan aayusan ka nila at pagagandahin pero hindi mo makikita ang sarili mo. Saka mo lang malalaman ang naging resulta kapag nakalabas ka, handa ka ba?"  "Im ready" sambit ko sabay tango. Naglakad na siya patungo sa isang corridor kung saan makikita ang mga magkakahilerang pintuang kulay itim, tumigil siya sa pinakadulo saka binuksan ito. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at naupo sa kaisa-isang silya na nasa gitna ng kwarto. Tama nga ang sinabi niya, itim na kwartong walang laman kundi mga pang-ayos ng buhok at mga pangmake-up. Maya-maya pa ay napatingin ako sa pinto nang pumasok ang dalawang babae. "Hi, Ms. Shey~" bati ng isa sa kanila. "Ako nga po pala si Ces, Ako ang maglilinis ng mga kuko mo sa paa~"  "Ako naman si Beth~ ako ang in-charge sa mga kamay mo" pakilala nilang dalawa Pumwesto na silang dalawa sa mga stations nila at nagsimula na. "Wag mo sana mamasamain ha pero, broken-hearted ka ba?" tanong ni Beth. "Beth!" saway ni Ces sa kanya.  "Bakit? wala namang masama sa tanong ko diba?"  "It's okay~" singit ko sa kanila. "See? So, broken-hearted ka nga?" tanong niyang muli sa akin.  "Oo~" matipid kong sagot sa kanya "Don't worry~ sigurado ako gagaan ang loob mo kapag natapos ang make-over mo"  Ngumiti ako sa kanya sabay tango. Bakit kaya ganito ang mga paeklavu ng salon na ito? Masiyadong maarte eh. Maya maya pa ay natapos na silang dalawa sa paglilinis ng mga kuko ko kaya nagpaalam na sila sabay pasok naman ng isang bakla, siya daw ang in-charge sa pag-aayos ng buhok ko at pagmemake-up sa akin. Nang matapos siya ay tumayo siya sa harapan ko at tinitigan akong mabuti "Ang ganda mo pala pag na-ayusan ka" sambit niya sabay ngiti sa akin.  Inayos niya ang mga gamit niya at saka ako sinenyasan na sumunod sa kanya. Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto, sinalubong ako ng isang babae at dinala sa isang kwarto na puno ng mga gowns. Naglakad siya palapit sa mga nakasabit na gown saka nagsimulang pumili, pagkaraan ng ilang minuto ay hinigit niya ang isang white laced gown. Ipinagpalipat-lipat niya ang mata niya sa akin at sa gown saka tumango, iniabot niya ito sa akin.  "May fitting room po diyan sa tabi~" sabay turo sa isang maliit na pintuan. Pumasok ako doon at isinuot ang gown na ibinigay niya. Maganda ang tela niya kaso sobrang fit sa katawan at ang kati kati. Lumabas ako ng fitting room at saka tumingin sa kanya "Wow! tamang tama pala ang napili ko" nakangiti niyang sabi sa akin "Hindi ba masiyado naman atang fit ito?" "No, Ms. Shey~ Maganda siya and bagay sayo kasi sexy ka"  Sumunod ako sa kanya habang kinakamot ang braso ko dahil sobra talagang kati. Napanganga ako nang buksan niya ang closet na punong puno ng naggagandahan at nagkikintabang mga sapatos. "Now~ wear this" sabi niya sabay abot ng isang clear glass na sapatos.  "T-teka~ baka mabasag yan wala akong pambayad! Mabigat pa naman ako" pagtanggi ko "Hindi ito mababasag, Ms. Shey atsaka binili talaga ito para sa inyo" giit niya "Ano? Para sa akin? Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kaniya "Ms Shey~ isuot niyo na po ito kung hindi magagalit sa akin si Ms Leslie" pagpupumilit niya sa akin habang hawak-hawak ang sapatos. Kinuha ko ito sa kanya at isinuot, to my surprise saktong sakto sa paa ko! Wow!  "Great.. Now, it's time to see yourself"  Lumabas kaming dalawa sa kwarto atsaka nagtungo sa kabilang kwarto na puno naman ng salamin. Ang dami ng kwarto nila dito ah? Magkano kaya renta? baka pwede nila akong paupahin. Binuksan niya ang ilaw at tumambad sa akin ang isang napakagandang nilalang, ay teka.. ako pala yun!  "Wow~ ang ganda" manghang-mangha kong sambit. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, ang ganda ganda ko.  Ngayon alam ko na, na dahil sa lalakeng yun nakalimutan ko ng alagaan at mahalin ang sarili ko. I forgot how to value myself dahil puro na lang siya ang iniisip at inaalagaan ko, kaya nang iwan niya ako ay walang natira sa akin kundi sakit at lungkot.   Simula ngayon, itutuon ko na ang buhay ko sa sarili ko at sa mga bagay na makapagpapasaya sa akin. Kakalimutan ko na ang lalakeng nagtapon at dumurog ng marupok kong puso. Huminga ako ng malalim atsaka ngumiti sa aking repleksyon "Maganda ka kaya huwag mong sirain ang buhay mo ng dahil lang sa isang walang kwentang lalak, lumabas ka ng kwartong ito at umattend ng event with your head up high and your heart shielded. Huwag mo hayaang manatili siya diyan sa puso mo para maging masaya ka na" mahinang sabi ko. Ngumiti ako ng makahulugan atsaka ngumiti sa babae. "Maraming salamat~ pakisabi na rin kay Mr. Corpuz that I owe him big time"  "Makakarating~"  Tumango ako sa kanya bago nagtungo papunta sa tanggapan ng salon. Napatigil ako nang marinig ko ang cellphone ko na tumutunog, kinuha ko ito at sinagot ang tumatawag "Hello, Les?"  "Best! I know tapos ka na sa salon kaya naman gusto kong sumakay ka sa sasakyang nakatigil diyan sa labas ng salon, okay? Ihahatid ka niyan papunta sa venue ng event. Goodluck!" paliwanag niya sabay patay ng tawag.  Ano ba yun? Hindi man lang ako pinagsalita. Sasakyang nakatigil sa labas ng salon? Kunot-noo akong lumabas ng salon para i-check kung may sasakyan nga at tama ang sinabi niya, meron nga! Sandali, dapat ba akong sumakay? Mamaya kung saan ako dalhin nito eh pero..  "Ms. Montecillo, tara na po~ Hinihintay na po tayo ni Ms. Peralta" sabi ng driver na bumaba pa para lang pagbuksan ako ng pintuan.  Tumango ako at walang ano-ano ay sumakay sa sasakyan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng sasakyang ito pero may tiwala naman ako kay Leslie and Im sure na kung ano man ang manyayari ngayong gabi, ito ang magsisilbing bagong simula para sa mas matatag at mas matibay na Narshey Montecillo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
70.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook