bc

When The Clock Ticks

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
adventure
reincarnation/transmigration
time-travel
tragedy
humorous
female lead
male lead
magical world
special ability
kingdom building
like
intro-logo
Blurb

Ezra Villamor, a young woman who has visions through her dreams of terrible things that will happen to people in the future by holding someone's hand. When she decided to find out why she has this ability, she discovered another dimension where fairies and a magical word exist. Jayden Bryle Dein Belafuente, A prosecutor tries to prevent these dreams from happening in real life by stopping the future supposed to take place that made him involved in Ezra's mission to stop Bella from getting the golden heart. Another world and different time zones, have a different way of living which humans and fairies are absolutely different.

Theme: Time will heal the wound but not the scars. (Magic, Love, Adventure, Fantasy)

chap-preview
Free preview
Chapter One: 11:01
Chapter One Nakakatakot. Halos manigas ang buong katawan ko at manlamig ang dalawa kong kamay. Napapunas ako sa noo ko dahil sa pawis. Halos wala ng natira sa mga bahay na nakikita ko. Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga tao. Lahat ay nagmamamdali at kaniya-kaniyang salba ng kanilang gamit. Lalo pang lumakas ang apoy. 'Ni, hindi ko magawang gumalaw. Ramdam ko ang init sa aking buong katawan at ang bawat pagpatak ng pawis ko sa daan. Hindi ko namalayan na sa sobrang pagmamadali ng mga tao at hindi ko na rin alam kung saan ako pupunta. Napaupo ako sa sahig at una kong hinanap si Justine. Sa kabila ng mga ingay sa paligid, nakita ko si Justine na nagmamadaling pumunta sa akin. Ang huli ko na lang natandaan ay may humawak sa kamay ko at inilayo ako sa lugar na 'yon bago ko pa siya makatagpo. "Ezra!" Dinilat ko ang mga mata ko habang hinahabol ko ang aking hininga. Pagkagising na pagkagising ko ay agad kong kinuha ang papel at ballpen sa lamesa. Pangayayari na naman para sa aking panaginip. Hindi na bago sa akin ang magkaroon ng mga ganitong klaseng pangyayari dahil simula bata pa lamang ako ay hindi ko na ito makontrol. "SUNOG." Basa ko sa papel at dinikit ito sa pader. Napabuntong hininga na lamang ako. Kahit anong gawin ko at gustuhin kong pigilan na huwag mangyari ang mga panaginip ko ay hindi ko ito magawa. Hindi ko alam kung paano at saan. Para ngang nararamdaman ko minsan na may kakaiba talaga. I was there pero kapag nangyayari 'yon ay hindi naman ako kasama. When I did some research about this ability of mine, I learned about that word which describes a person who has the ability to see the future which they likely called precognition. Some believe that it's also known as a prescience, future vision, or future sight, and a claimed psychic ability to see events in the future? With that case, As with other paranormal phenomena, there is no accepted scientific evidence that precognition is a real effect, and it is widely considered to be pseudoscience. Precognition also appears to violate the principle of causality, that an effect cannot occur before its cause. In fact, precognition has been widely believed throughout history. Despite the lack of scientific evidence, many people believe it to be real. It is also widely reported and remains a topic of research and discussion within the parapsychology community. In short, unexplained. Hindi ko alam kung paano 'ko 'yon at bakit nararanasan. Besides, the ticking golden clock was always on my mind. I have no idea kung saan ko 'yon nakita. Somewhere? Elsewhere? Or even Nowhere? Bumangon na ako sa kama at nakasalubong ko si Mama. Kinusot ko ang mata ko habang naglalakad papunta sa lamesa. Nakahain ang iba't-ibang pagkain para sa almusal. Simula pa noon, masarap na talaga magluto si Mama ng agahan. Maraming masasarap na pagkain tuwing umaga. Sinubukan kong gawin para makabawas ng gawain niya pero palpak naman. Nakakadagdag lang ako lalo. Tumingin sa akin si Mama at ngumiti na lamang ako pabalik. Simula kasi nang mawala ang tatay ko, mag-isa na lamang nagtatrabaho si Mama sa restaurant na itinayo nila noon. Maayos naman ang takbo gaya ng dati. Paminsan-minsan tumutulong kami ni Justine para mabawasan ang trabaho ni Mama. Mayroon namang mga empleyado roon, pero iba pa rin kapag ikaw ang mismong gumagawa at nararanasan ang gawain sa shop. Ang saya kaya. Si Justine pala ang pinsan ko, He's so outgoing. Opposite to my attitude. Dito na siya nakatira dahil nagagawa niya ang gusto niya. Sabay na rin kasi kami lumaki ng lalaking 'yon. We're the same age. Sadyang ayaw niya lang talaga tumira sa nanay niya dahil simula pa lamang ay si Mama na ang nag-alaga ay Justine. Umupo na ako sa harap ng pinggan na nakahanda sa lamesa. Nilagyan ni Mama ng kanin ang pinggan ko at ako na ang naglagay ng ulam. Kumain kami ng tahimik at nagkwentuhan ng kaunti. Ang daming kwento ni Justine. Napapatango na lang ako sa mga sinasabi niya. Perhaps, I have to state my name? Ezra Regan Villamor. You can just call me Ezra. I have a boyfriend, I mean my ex-boyfriend. We broke up because of time issues. We have our different priorities. He studied in Law school, Medical School naman sa akin. I'm a registered nurse but I stopped working on my job. I'm trying to overcome my fear so I take a break for months. It's just weird, I can't even change the bad futures that I saw in my dreams. How can I save people? Well, Zion. My ex. We haven't got in touch since we broke up years ago. Zion's one year older than me. We met at my school. We interacted because of my friends who's also close with him. Zion was a type of a guy who's really friendly and outgoing. We got along and he courted me. And soon, we broke up for personal reasons and mostly time related. I literally have no recent updates about him. Who cares if he went to Mexico or other countries? "Ezra, samahan mo si Justine bumili ng grocery. May pupuntahan pa ako mamaya sa shop." Tumango na lang ako at nginisian ang pinsan ko. Para ko na talaga siyang kapatid. Umakyat muna ako sa kwarto para ayusin ang kama ko. Bago ako bumaba ay napatingin ako sa mga sticky note na nakadikit sa dingding at inisip ko muli ang panaginip ko kanina. Swear! Sinubukan kong ikwento kay Justine pero pinagtatawanan niya lang ako at hindi pinaniniwalaan. Sinabihan pa naman akong fortune teller? Bumaba na ako at nakita ko siya sa sala na nakashorts lang at sando. Agad kumunot ang noo ko. Saan ba siya pupunta sa palengke? 'Di ba, grocery ang pupuntahan namin? "Hoy, Atine! Umayos ka nga. Nakakahiya ka kasama." Pumunta ako sa kwarto niya at naghanap ng matinong damit. Nakasalubong ko siya sa labas kaya binato ko sa kaniya ang lahat ng matitino niyang damit at pinakita 'yon isa-isa. "Isa pa, tignan mo. Susumbong kita kay Tita para pauwiin ka na 'don." Sabi ko at binigay sa kaniya ang t-shirt. Aba, ewan ko ba 'dyan at ayaw umuwi sa kanila. Mayaman naman ang nanay niya. "Grocery ang pupuntahan, hindi mall." Sabi niya at huminga ng malalim. Pumunta siya sa likod ko at tinulak ako palabas. "Huwag mo 'kong silipan." "Ang grocery ay nasa mall. Hibang ka ba?" Sabi ko bago tuluyang lumabas. Umupo na lang ako sa sofa para hintayin siyang magbihis. Dahil sa sobra niyang tagal ay lumabas na ako para aalis na lang kami. Nakita ko siyang handa na kaya nagumpisa na akong naglakad. Nag-commute lang kami ni Justine papuntang grocery. Nasa kaniya ang listahan at hawak ko naman ang mga basket. Ilang mga minuto lang ay pumila na kami sa counter. Habang pina-punch ang mga pinamili namin ay napatingin ako sa mga taong katabi ko na hindi na mapakali. Nakatingin sila sa labas na natatabunan ng mga taong nakikiasyoso rin. Hindi ko ito pinansin at sinuot ko ang earphones ko. Nakatingin lang ako sa pinamili namin habang nakikinig ng music. "EZRA!" Nakita ko si Justine na hindi rin mapakali. Alam kong niloloko na naman ako ng lalaking 'to. Nakisilip rin siya sa mga taong nagkukumpulan. Napailing na lang ako at sumenyas na hihintayin ko na lang siya sa waiting area. Tinignan ko ang mga tao at dumami na ang kumpulan sa may pinto. Tumalikod na lang ako at kumaway kay Justine na dalian niya. Napatanggal ang earphones ko sa tenga nang makaramdam ako ng pagyanig at nakarinig ng pagsabog. Dinilat ko ang mata ko. Nagkakagulo na ang mga tao. Nabasag ang mga salamin na nagsisilbing bintana at pinto ng grocery. Hindi ko mahanap si Justine dahil nag-aapoy na ang nakikita ko sa paligid. Tinakpan ko bibig ko gamit ang aking braso at lumabas ng grocery. Ang daming taong nagmamadaling kumuha ng mga pagkain at gamit sa grocery store. Humanap ako ng labasan hanggang sa makita ko ang labas ng mall. Sumabog ang gasolinahan at madamay ang mga kadami nito kabilang na ang grocery. Nagtatakbuhan ang mga tao. Umupo muna ako sa likod ng poste. Agad kong tinawagan si Justine. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil hindi siya sumasagot. Naglakad lakad ako at hinanap siya. Nagkakagulo ang mga tao lalo na't wala pang dumarating na bumbero. Hindi ko muna tinawagan si Mama hangga't hindi ko nahahanap si Justine. Hindi ako pwedeng umuwi mag-isa hanggang wala siya. Natigilan ako at pinagmasdan ang buong lugar. Nakatayo ako sa gitna at halos mabangga na ako ng mga taong nagmamadali makalabas. Napahawak ako sa bibig ko. This was my freaking dream! It's impossible! I tried to take a step but I couldn't move. I saw someone approaching me from afar. It wasn't Justine. Napahawak ako sa tenga ko dahil naririnig ko na naman ang boses na hindi ko alam kung saan galing at sino ang taong 'yon. I have no idea what he's up to. Kita ko na papunta na ang lalaking 'yon sa gawi ko. Nakakatakot. Halos manigas ang buong katawan ko at manlamig ang dalawa kong kamay. Napapunas ako sa noo ko dahil sa pawis. Halos wala ng natira sa mga bahay na nakikita ko. Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga tao. Lahat ay nagmamamdali at kaniya-kaniyang salba ng kanilang gamit. Lalo pang lumakas ang apoy. 'Ni, hindi ko magawang gumalaw at humakbang. Ramdam ko ang init sa aking buong katawan. Hindi ko namalayan na sa sobrang pagmamadali ng mga tao at hindi ko na rin alam kung saan ako pupunta. Napaupo ako sa sahig at una kong hinanap si Justine. Sa kabila ng mga ingay sa paligid, nakita ko si Justine na nagmamadaling pumunta sa akin. Ang huli ko na lang natandaan ay may humawak sa kamay ko at inilayo ako sa lugar na 'yon bago ko pa siya makatagpo. Ang sikip sa dibdib parang hindi na ako makahinga. Hindi pa rin mawala ang boses sa isip ko kaya pinilit kong idilat ang aking mga mata. Nakita ko ang isang lalaki sa harap ko na nakatingin sa akin ng diretso. Nakita ko rin si Justine na nakaabang at nag-aalala sa akin. Nakaupo na kami sa isang bench at may mga bumbero na rin na naga-apula ng apoy. Agad akong kumuha ng bagay na mababato sa kaniya. Binato ko siya ng isang bote ng tubig at tumama iyon malapit sa paa niya. "Pinag-alala mo 'ko! Saan ka ba nagpunta, hah!" Agad ko siyang niyakap at kinurot sa tagiliran. Pagkatapos kong humiwalay ay sinipa ko siya sa tuhod at sinamaan ng tingin. Nagpunta ang atensiyon naming dalawa sa lalaking nakatayo sa harap ko. Siya ang humila ng kamay ko kanina. Dumikit ako kay Justine dahil nakatitig sa akin ang lalaki. He's weird. Nagkita na ba kami dati? "Alexis." Sambit niya at ini-offer ang kamay niya sa harap ko. Tinanggap ko ito pero bigla na lang akong napapikit at napaatras. "Tick-tock," he whispered and I saw him smirk. Naglakad na siya papalayo at hindi na lumingon pa pabalik. Ginusto ko man siyang habulin pero napahawak na lamang ako sa ulo ko dahil nakaramdam ako ng panghihina at pagkahilo. "Mahal kita. Mahal na mahal." May nakita akong lalaki na nakangiti sa harap ko ngunit natatakpan ng sinag ng araw ang kaniyang mukha. Napakaliwanag ng paligid. Kitang-kita ko ang sarili kong napakalaki ngiti sa mga labi habang hawak-hawak ang kamay ng lalaking 'yon. "Was that my memory?" napaupo ako sa sahig at lumapit sa akin si Justine. Inalalayaan niya akong tumayo pero tinulak ko siya para umalis. Wala akong matandaan na nangyari sa akin 'yon. "Justine, Habulin mo! Bilis," utos ko. Agad namang napatingin si Justine sa akin. Itinuro ko ang lalaki na naglalakad at malayo na sa amin pero parang wala naman siyang nakita. "Ano? Sinong hahabulin ko?" Tanong niya. Napalingon siya sa gawi ko at nagkibit-balikat. Habang pinagmamasdan ko ang lalaking 'yon na naglalakad ay napahawak na lamang ako sa bibig ko. "Ito ang unang beses na kasama ako sa sarili kong panaginip na nagkatotoo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.6K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.7K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook