bc

The Vampire's Curse

book_age12+
1
FOLLOW
1K
READ
dark
tragedy
twisted
mystery
scary
like
intro-logo
Blurb

There was a young boy who was curse by a family of vampires. He has a power to condemn people specifically humans. He cannot stop to condemn humans because the consequence of this is his life. He have to find the vessel for him to free himself from the curse.

But what if the consequence of the curse is the vessel's life? Will he still choose to free himself? or sacrifice his life?

chap-preview
Free preview
1
Walang lakas na naibagsak ko nalang ang bag ko habang patuloy na umaagos ang mga luha ko. Dinadama ang paghampas Ng mga alon Mula sa kinatatayuan ko habang patuloy na bumabalik sa isipan ko Ang nangyari kanina. Sobrang sakit... Hindi ko akalain na magagawa Niya sa akin Ang bagay na Yun... Saan Ako nagkulang? "Miss, a-ayos ka lang?" Napalingon Ako sa lalaking nakasalamin at may suot na Black T-shirt na pinatungan Ng Checkered. Hindi ko Siya kayang sagutin. Napapangunahan lang Ako Ng emosyon at Ngayon pang may nagtatanong sa akinkung ayos lang ba Ako ay mas Lalo akong naiiyak! Napanguso Ako at umupo Saka tinago Ang Sarili sa mga braso ko.Napangawa Ako na parang Bata. "Miss bakit ka umiiyak? M-may nasabi ba akong Mali? Anong problema?" umiling Ako habang nakatungo parin at patuloy sa pag-iyak. "K-kung gusto mo...pag-usapan natin 'to ng maayos... kung Ano man Yan. Pwede bang bumaba ka Muna Jan?hm?" pangungumbinsi Niya sa akin. Inangat ko Ang ulo ko. "Ang Dami na kasing...nakatingin" napakamot-batok Siya habang nahihiyang sumulyap sa paligid. Ang daming nakalabas Ng kaniya-kaniya nilang cellphone habang vinivideohan Ako. *FAST FORWARD* Inayos ko Ang magulo kong buhok Ng iabot sa akin Ng lalaki Ang isang cup Ng ice cream. "Salamat..." bitin na Sabi ko para sabihin kung Ano Ang pangalan Niya. "Zeb" nahihiya pang sambit Niya saka naupo sa tabi ko. "Salamat, zeb" Sa totoo lang Hindi Ako makapaniwalang umabot sa ganito Yung tulong na gagawin Niya. Ni Hindi nga Niya alam kung Ano Ang pangalan ko. "Ano Ang Iniisip mo?" "hm?" "Mukha kasing malalim ang Iniisip mo" "Ahh" malungkot na sagot ko. "Iniisip ko lang kung bakit ginagawa mo Ang ganitong bagay kahit na Hindi mo alam kung sino Ako" Marahan Naman siyang napangiti. "Hmmm" huni Niya at iginala Ang paningin sa tabing dagat. "Sabihin nalang nating gusto Kong Malaman kung Ano Ang nasa isip mo kanina" at nagkamot-batok Siya. Naalala ko nanaman Yung Nakita ko kanina. Gusto Ko nanamang maiyak. "Pwede bang umiyak?" "Bakit hindi? Wala namang masama kung ilalabas mo lahat Ng sakit Ng nararamdaman mo" Dahil sa sinabi Niya ay Hindi ko na napigilan yung mga nagbabadyang mga luha ko. Pinatong ko Ang mga braso ko sa tuhod Saka doon umiyak. Hindi ko alam kung ilang minuto Akong umiyak sa tabi ni zeb pero ni isang beses Hindi Siya nagsalita. "Yung Boyfriend ko..." banggit ko Kay Nico Ng medyo mahimasmasan Ako."Nakita ko siyang nakikipagdate sa ibang babae" "Sigurado kang nakikipag-date Siya?" "Nakita ko Silang magkaholding hands habang naglalakad at nag...naghalikan" napapunas Ako sa luha ko sabay singhot. "Sa Apat na taon..." napalunok Ako. "Hindi ko akalain na magagawa Niya yun sa akin. Ano bang Mali? Ayos Naman Ang lahat eh...Wala Naman kaming pinag-awayan pero bakit?" napakuyom ako Ng kamao. Kung Hindi ko pa narinig sa kakilala ko na Nakita Niya si Nico na may kasamang babae ay Hindi ko mapapansing may Mali. Na may ginagawa na pala siyang Hindi Tama sa likod ko. "Gusto mo ba siyang parusahan?" "Syempre. Sino bang Tanga Ang tutulala lang matapos niyang makitang niloloko na Siya Ng taong mahal Niya?" "May gusto sana akong ipakita sa'yo...Ayos lang ba?" "Mm. Ano ba 'yon?" "sandali" taka akong tinignan Siya Ng ilabas Niya Ang isang sketchbook. "Mahilig Ako magdrawing Ng mga bagay na gusto Kong gawin sa mga tao bilang parusa" Nang buklatin niya Ang unang pahina ay Nakita ko Ang isang tao na nakalambitin sa isang puno. Ang sumunod Naman ay itulak Ang isang tao sa mataas na bahagi Ng Lugar. Ang pangatlo ay sagasaan Ang isang tao. "Sa Ngayon Yan palang naiisip Kong i-drawing. Gusto mo bang parusahan natin yung boyfriend mo?" Bahagya Naman akong natawa. Sabi nga nila...kung may gusto kang gawin sa Buhay, lubos-lubusin mo na. "Syempre Yung pangatlo. Sa lahat Ng dinrawing mo ay Yun Ang pinakamalala. Hindi Naman masamang mag-imagine na sagasaan Siya" "Gusto mong parusahan natin Siya?" "Mm" "Kung ganun...pwede ko bang Makita Ang itsura Ng boyfriend mo?" Mabilis na kinuha ko Yung cellphone sa bag para ipakita sa kaniya. Pagbukas na pagbukas Ng screen ko ay Nico Agad Ang bumungad. "Heto siya. Kapag Nakita mo Siya, wag kang magdalawang isip na suntukin Siya sabay takbo o kahit na Anong gusto mong gawin sa kaniya, okay?" Marahan siyang ngumiti. "Sigurado ka?" tumango Ako. "Kulang pa Ang suntok para makabawi Ako sa ginawa Niya sa akin" "Masyadong Masakit Ang kayang gawin Ng mga tao. Minsan sa Hindi pa nating inaasahang pagkakataon. Be Rejoice." Sarkastiko siyang natawa "He has been condemned" at nasilayan ko Ang ngisi sa kaniyang labi. "AAAAAAAH!" napalingon Ako Ng marinig Ang sigaw Ng isang babae sa tabing kalsada. Nang ibalik ko Ang paningin ko Kay zeb ay Wala na ito sa kaniyang pwesto. Nasaan na Siya? Napansin ko Ang mabilis na pagkumpulan Ng mga tao kaya mabilis pumunta Ako sa Lugar na Yun. Parang may kung Anong bigat sa puso ko sa pangyayaring iyon. Gusto Kong Malaman kung Ano Ang nangyayari. Halos maitulak ko nalang Ang mga tao sa paligid para makapunta sa unahan pero...Natigilan Ako Ng Makita kung Ano Ang nangyari. Napatakip na lamang Ako Ng bibig Ng Makita si Nico na nakahandusay sa sahig habang naliligo sa Sariling dugo. Katabi nito Ang babaeng Nakita Kong Kasama Niya kanina.Umiiyak at humihingi Ng tulong. Napaluha nalang Ako sa nakikita ko. Hindi... Paanong... Bumalik sa ala-ala ko Ang nangyari kanina. Yung napag-usapan Namin ni zeb. Hindi pwedeng nagkataon lang ito. Mabilis na hinanap ko si Zeb. Napatampal Ako sa noo Ng hindi ko Siya Makita! Kasalanan ko 'to... Kasalanan ko kung Ano Ang nangyari sa kanila... Parang nanghina Ang mga tuhod ko at Wala na akong nagawa kundi Ang umiyak at sisihin Ang Sarili ko sa nangayari. Sino ba Ang taong nakilala ko? Paano niya nagawa Ang bagay na ito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.5K
bc

POSSESIVE MINE

read
969.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook