bc

It Started with a Piece of Paper

book_age12+
22
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
sweet
Writing Challenge
YA Fiction Writing Contest
humorous
lighthearted
Writing Academy
Girlpower Revenge Writing Contest
Supreme Me Fiction Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

"If it wasn't because of my mistake with that piece of paper, we won't be able to meet each other"- Nathalie.

"No, honey. Even if you didn't made that mistake. Even if without that piece of paper, we will still meet each other. Wanna know why? Because we're destined to be together. I love you"- Dash.

chap-preview
Free preview
Prologue
Nanatili akong nakayuko at pinipigil ang pagtulo ng luha. Inaasahan ko na makikita ko siya ngayong gabi, pero ang hindi ko inaasahan ay ang may kasama siyang ibang babae. A tear escaped from my eyes. I immidiately wipe it. I closed my eyes and take a deep breath before opening it again. To my surprise, nakatitig na pala sa akin ang damuhong iyon. Akala naman niya madadala ako sa magaganda niyang bughaw na mata. Ulol. Ipapakita ko sa'yo na wala na akong nararamdamang kahit ano sa kagaya mo. Bwisit ka!  Over my oh-so-gorgeous-sexy-body. "Nathalie" Nilingon ko si Franchesca, ang bestfriend ko, na nakaupo sa tabi ko. "Oh bakit?" tanong ko. "Baka naman matunaw yang si Dashton at Venice sa katititig mo" puna niya. Agad naman nangunot ang noo ko. "Asa pa. Siya ang unang tumitig sa akin" inis na sagot ko at humarap na lang sa mga estudyanteng nagsasayaw sa gitna kasama ang partner nila. Edi sana all! Ngayon ay high school night namin. Isa siyang engrandeng ball para sa mga high school students na kagaya ko. Pero dahil wala akong boyfriend, manliligaw, partner, nakaupo lang ako kasama si Franch. "Gaga anong tumingin sa'yo?" aniya "Boba, si Dashton ang pinaguusapan natin! Axel Dashton Hofer! Ang lalaking never tumingin sa kahit na sinong babae lalo na kapag nadaanan na niya. Nakakaloka ka" eksahederang dagdag pa niya. Napasimangot naman ako dahil may punto siya. Sabagay, si Dashton yon e. Kapag tapos na siya sa babae niya, never na niya yun bibigyan ng pansin. At dahil isa na ako sa mga naging babae ng taong yon, kahit konting sulyap hindi na non gagawin sa akin. Punyemas kasing papel yon. Sa dinami dami ng mababagsakan, bakit ang walanghiyang yon pa? "A-ah... excuse me" Maya maya ay rinig kong tawag mula sa gilid ko. Nilingon ko iyon at nakita si Brix, ang team captain ng basketball team. Tumayo ako at iniayos ang upuan ko bago muling umupo. "Daan ka na" wala sa sarili kong saad . Napakamo naman siya sa batok at pagpigil ng tawa. Rinig ko din ang paghagikgik ni Franch at ng ilang nakarinig. Bakit? May mali ba akong nasabi? Nagtataka akong tumitig sa kanya. "K-kase... ahm... Gusto sana kitang... isayaw" nahihiyang aniya. Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya. "Ha?" ani ko. "Gusto sana kitang isay--" "HAlika na" pagputol ko sa sasabihin niya at agad na tumayo. Kumapit ako sa kamay niya at humarap kay Franch at ilang kaibigan naming kasama sa table. "Oh guys, wag niyo ako aabalahin, sasayaw kami ni Brixyy" nakangisi kong saad. Natatawa naman silang sumagot sa akin. Naglakad kami papunta sa gitna. "Ano bang sayaw ang gusto mo?" tanong ko. "Buduts?" ani ko pa at nagsimulang mag buduts sa harap niya. Ramdam ko ang titig ng mga tao sa harap namin at ang tawanan dahil sa sayaw ko. "Sexy dance?" tanong ko ulit at umakto na nagsesexy dance habang nag b-body wave at iniiikot ang mga kamay ko. "Belly dancing?" dagdag ko at pinagdikit ang palad ko habang kinekembot ang lower part ko. Kumawala ang tawa niya dahil sa ginagawa ko. Ang mga nanonood ay napatawa din dahil doon. "You're funny, Nathalie" nakangiti pa din niyang saad. Natawa naman ako sa kanya. "Masaya ka sa'ken, ano? Happy pill mo na ako niyan?" seryoso kong tanong. Natawa na naman siya. "Hahahaha. Pwede din" sagot niya. Kinuha ni Brix ang kamay ko at pinatong sa balikat niya. Inilagay naman niya ang kamay niya sa bewang ko. Nag umpisa kaming sumayaw ng mabagal. "Ayaw mo talaga ng buduts?" tanong ko. Agad siyang napatawang muli. "Ayos na ako sa ganito muna" nakangiti niyang sagot. Hindi na ako umimik pa at dinama nalang namin ang music. "Bakit mo ako piniling isayaw?" I asked out of the blue. "I mean, oo gets ko na maganda talaga ako, tapos mas gumanda pa ako ngayong gabi. Pero bakit? Why me?" biro ko. Natawa ulit siya. Wala na. Happy na 'to sa'ken. "Hahaha. Because I want to. I want to be your first and last dance. At gusto kong ikaw din ang una at huli kong isasayaw" sagot niya. Napatulala naman ako sa kanya. "Grabe ah. Crush mo na ako niyan?" tanong ko ng pabiro sa kanya. Natigilan naman siya at biglang namula. Umiwas siya ng tingin. "Uh... yeah. Mag aapat na taon na" nahihiyang sagot niya. Ako naman ang natigilan dahil sa sinabi niya. Para akong nabingi dahil sa tili ng ilang nakarinig na nasa malapit. "Waaaaahh!! Omygosh!!" "Halaaa!! Umamin si Brixxx!!" "Waaaaaahh shipp ko na 'to!" "Bagay silaaaa huhu" "Eh?" tanging saad ko. "Don't worry, wala naman akong balak na... ipagpilitan ang sarili ko sa'yo. I just... want you to know what I feel. And, I want to take everything slowly... but surely" nakangiting aniya. Tumigil kami pagsasayaw at inihatid niya ako sa lamesa namin magkakaibigan. Napuno ng kantyawan ang table namin. Pinapaupo pa nila si Brix sa tabi ko pero tumanggi ito. "Nabigla si Nathalie sa pag amin ko, e. Hahaha. Baka mapressure siya kapag umupo pa ako sa tabi niya ngayon. Baka mabusted ako agad" nakangiting biro niya. Bumalik na siya sa table nilang magkakaibigan at napuno din doon ng asaran. Napatulala ako sa kawalan. Nagpaalam ako at tumayo papuntang restroom para mag retouch. Pagpasok ko sa restroom ay dumiretso muna ako sa isang cubicle dahil nawiwiwi ako.  "Hmmm.. hmmm" pag kanta ko pa kunwari. Rinig ko ang pagbukas ng pinto ng restroom at yabag ng mga paa. Lalabas na sana ako ng marinig kong magsalita ang mga ito. "Grabeng confession ni Brix kanina! Waging wagi! Pak na pak! Panalong panalo! Mapapasana all nalang talaga sa beauty ni Pres." rinig kong saad ng isa. Kung sino ka man, thanks. Alam kong beauty ako. Mwahaha. Nanatili ako sa loob ng cubicle at nakikinig sa kanila. "After ni Dashton jusmiyo si Brix naman ngayon. Umay, Pres. How to be you!" saad naman ng isa pa. Ay di ko masyadong bet yan girl ha. Pero keri lang. You don't need to be me, you are you. Hihi "Anyways, if I were to choose between those two hunks, kay DASHling Dashton pa din ako! Panalong panalo dun e" sabi naman ng babaeng nagsasalita kanina. "Ayy di mo syur girl. Mas bet ko si Papa Brix. Frinedly na, ganda pa ng ngiti!" pagsalungat naman ng kasama niya. Edi inyo na pareho jusko wala akong bet sa dalawa. Jonks. "Tara na nga hihi"  Maya maya pa ay narinig ko na ang pagbukas at sara ng pinto. Wala na din ang ingay kanina ng dalawang babae kaya lumabas na ako ng cubicle. Humarap ako sa salamin at naghugas ng kamay sa sink syempre. Para iwas virus. Char. Nag ayos na ako ng slight bago nag decide na lumabas na ng restroom. Naglalakad na ako papunta sa table namin ng may maapakan akong kung ano. Tiningnan ko iyon at nakita ang piraso ng papel. Pinulot ko iyon at binuksan. Mayroong nakasulat doon. "Mine." Ang sulat kamay ni Dashton... Agad kong naramdaman ang paginit ng pisngi ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A night with Mr. CEO

read
175.2K
bc

My Son's Father

read
582.9K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.4K
bc

Fight for my son's right

read
146.5K
bc

My Godfather My husband

read
269.1K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook