bc

HACKED

book_age18+
185
FOLLOW
1K
READ
dark
others
others
brave
bxg
heavy
serious
mystery
genius
school
like
intro-logo
Blurb

The book is a suspense/thriller genre.

About Mitsuki Nakahara, who is an anonymous hacker that people illegally, by invading privacies, hacking computers and surveillance cameras to give justice to her clients that pays her large amount of money in return. She keeps everything a secret until she met the group of young detectives and somehow she got caught with their business because of an incident, and after that she finds herself getting more involved with them as she finds something she shouldn't have.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Mitsuki Nakahara's POV Habang sipsip ang lollipop sa bibig ko ay pinapanood ko sa screen kung paano i-torture ng isang kilalang congressman ang kaniyang sariling anak. Hinintay ko matapos ang eksena bago kinalikot ang mga kung ano sa laptop ko bago isinara. Matapos iyon ay binuksan ko ang flat screen tv dito sa loob ng condo ko. Agad na kumalat ang footage ng congressman na ngayon ay pinanonood na ng libo-libong tao. Sunod na tumunog ang cellphone ko, napangiti nalang ako nang mabasa na naitransfer na sa account ko ang kalahating milyong piso. Eto ang trabaho ko, ang maging isang kilalang hacker, ngunit walang sino man ang nakakaalam sa itsura ko, maliban sa aking matalik na kaibigan na si Ira. Ang mga costumer ko ay mga taong nag-memessage sa page ko na syempre ay sinigurado kong hindi mahahanap ng kapulisan, bago ko rin tanggapin ang isang trabaho ay sinisigurado ko muna ang katauhan ng aking kliyente at ang kaniyang nais na ipagawa. Nakadepende rin sa kung anong pinapagawa kung magkano ang halaga ng aking serbisyo, ngunit ako na mismo ang nagsasabi na hindi ito mura dahil hindi din biro ang aking mga ginagawa. Ako si Mitsuki Nakahara, 20 years old 2nd year college at nagtatake-up ng kursong Psychology. Kung iniisip niyong nangangailangan ako sa pera pwes mali kayo. Ang aking mga magulang ay kilalang business tycoon worldwide at ang aking mga kapatid ay mga nakapagtapos na at may maayos nang pamumuhay, kumikita narin sila ng sarili nilang pera. Kaya ko lang naman naisipan na gawin ang trabahong ito ay dahil sa bestfriend kong si Ira, since napansin niyang may talento ako sa mga bagay na ito ay pabiro niya akong inutusan na i-hack ang isang security system ng isang maliit na kumpanya na ngayon ay sirado na dahil nalaman namin ang tungkol sa mga illegal na mga ginagawa nila at minabuti namin na ibigay ang impormasyon sa pulisya ngunit hindi na kami nag abala pang magpakilala at hinayaan na sila sa kanilang gagawin na aksyon. Sinipat ko ang relo ko bago kinuha ang bag ko. Tahimik kong sinirado ang condo at nagtungo na sa aking unibersidad. Kung saan nakasalubong ko si Ira na naka-all smiles at pakaway-kaway pa. Hindi naman na ako nagreact at hinayaan siyang sumunod saakin. Kung pagkukumparahin ay magkabaliktad kami ng ugali ni Ira. Siya ay palangiti, madaldal, magaling sa sports at maraming kaibigan, subalit maliban sa pag-hack ay wala na akong ibang alam na gawin. Hindi ako yung tipo ng taong active, mas gugustuhin ko pa na maupo sa sulok kasama ang laptop ko kesa sa gumala kasama ang ibang mga kaibigan, well wala naman ako nun, maliban kay Ira ay wala na akong ibang kaibigan dahil nga tahimik ako ay tingin nila saakin ay isang weird na nilalang. Diresto lang ang lakad ko habang nakikinig sa kung ano anong pinagsasabi ni Ira nang may lalaking makabangga saakin. Masama niya akong tinignan kaya ginawaran ko rin siya ng isang masamang tingin. Siya ang unang umiwas ng tingin at naglakad nalang paalis habang nakasunod sa kaniya ang mga kasamahan niya. "Si Kei yun diba?" rinig kong tanong ni Ira saakin kaya tumingin ako sa kaniya ng may tingin sa mata na sino yun? "Yung bunsong anak ng Presidente, kilala siya dahil sa murang edad ay na-recruite na siya ng isang kilalang detective agency, well di ko alam kung totoo or what narinig ko lang naman yun." kwento nito kaya nabalik ang tingin ko sa daan na tinahak nung sinabi niyang Kei ang pangalan. Kung sakaling totoo man yun ay dapat ko siyang iwasan, mahirap na mas okay na iyong naninigurado. Lunch Break. Nagtungo ako sa ladies room pumasok ako sa cubicle sa dulo at ginawa ang dapat na gawin. Narinig kong may pumasok dahil restroom to ay hindi ko nalang ito pinansin nang matapos ako sa ginagawa ko ay nagflush ako at lumabas sa cubicle nagtungo ako sa lababo upang maghugas ng kamay at mag ayos narin ng uniporme. Nang matapos ako ay humakbang na ako para umalis nang makarinig ako ng mahinang iyak. Hahayaan ko nalang sana pero napansin kong nakagreen ang lahat ng lock ng cubicles ibig sabihin ay bukas ito, nakapagtataka dahil sigurado akong may narinig akong pumasok kanina ngunit wala akong narinig na lumabas. Napailing nalang ako baka pinaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko kaya humakbang ulit ako pero this time tuluyan na akong natigilan dahil parang may naapakan akong malagkit, wala sa sarili kong tinignan ang sahig at halos masuka dahil sa dami ng dugo. Napatakip ako sa bibig ko, dahil pakiramdam ko kahit anong oras ay masusuka ako. Nagulat ako nang may napakalakas na sigaw na nanggaling sa pinto ng ladies room. Hindi ko alam kung paano pero nakita ko nalang ang sarili ko na nakabalot sa isang towel habang inaalalayan ng pulis. Idinala nila ako sa prisinto, pinapasok sa isang kwarto na may malaking salamin sa gilid at isang mesa at dalawang upuan lamang. Walang iba kundi isang interrogating room. Pumasok ang isang pulis kasama ang isa pang lalaki na sa una ay hindi ko namukhaan dahil nakatayo ito sa madilim na parte ngunit nang makalapit sila saakin ay agad na nagkasalubong ang mga mata namin. Its him. Ang sinabi ni Ira na bunsong anak ng presidente. Though bakit sya ang nandito? Ganun ba talaga kalaki ang tiwala nila sa kaniya para ganun nalang nila ibigay ang trabaho na ito sa kaniya? I mean I'm not underestimating him pero may namatay at dapat ang mga beterano ang humahawak sa mga ganitong kaso. "Alam kong iniisip mo ngayon na dapat isang beterano ang humawak sa kaso nato but they had their reason." saad nito bago umupo sa upuan na nasa harap ko. Umalis narin ang pulis na kasama niya kanina. " So Miss.." makabuluhan niya akong tinignan habang nakataas ang magkabilang kilay "Mitsuki, Mitsuki Nakahara." sagot ko at tumango naman siya. "Miss Nakahara, mind telling us what happened inside? As you can see walang cctv sa loob ng ladies room for privacy issues at nagkataon na ikaw lang mag-isa ang nasa loob." saad niya habang nakatukod ang magkabilang siko sa mesa, nakasiklop ang dalawang kamay at nakaharang sa kanyang bibig kaya tanging mga matatalas na mata niya lamang ang nakikita ko. "Ginagawa ko lang ang dapat kong gawin sa loob ng makarinig ako ng may pumasok, syempre kahit sino iisipin na isa lang iyong estudyante na kailangan din gumamit ng banyo kaya hinayaan ko nalang nung palabas na ako nakarinig ako ng mahinang iyak, akala ko gyniguni ko lang yun hanggang sa nakaapak ako sa malagkit na bagay sa sahig dun ko napagtanto na dugo iyon. If you're gonna ask why I didn't call for help ay dahil masyado akong busy sa pakikipaglaban sa sarili ko upang hindi masuka. Satisfied?" bored na kwento ko. Diretso lang siyang nakatingin sa mata ko, hindi na ako nag abala pang putulin ang pagkatitig niya at nakipagtitigan lang sa kaniya. "Look, kesa sa titigan mo ako ay bakit hindi niyo nalang abalahin ang sarili niyo sa pagtingin sa cctv footage sa labas ng banyo? kung hindi yun sapat pwede niyo naman tignan ang cctv sa mga hallway though mahihirapan kayo dahil lunch break hours naganap ang krimen." saad ko at itinukod ang kaliwang siko sa mesa at inilagay ang baba sa palad ko singhal na bored na ako. "We already did, wala kaming napala, dahil wala naman pumasok sa banyo sa mga oras ng lunch break maliban sayo at sa biktima." saad nito at mukhang nag iisip, bored ko naman siyang tinignan at inikot nalang ang paningin sa loob ng kwarto, natigil ang paningin ko sa pinto. "Hey." tawag ko sa pansin niya at ramdam kong napatingin siya saakin kahit hindi ako lumingon sa kaniya. "I don't know if this will help but, I never said I heard someone come out of the bathroom." saad ko bago tumingin sa kaniya at nakita ko kung paano siya natigilan. Bigla siyang tumayo na tila ba narealize niya kung ano ang nangyari. "Why did you have to forget the most important detail?"tila inis na saad niya at hinila ang braso ko. Dahil wala naman din ako magawa ay sumunod nalang ako sa kaniya. Nagtungo siya sa loob ng isang kwarto kung saan napakaraming screen. CCTV room. "Nasaan ang copy ng cctv footage mula sa school para sa araw na ito?" tanong niya sa personnel doon at ibinigay sa kaniya ang isang flashdrive. Walang pasabi siyang umupo at ipinansak ang flash drive kung ano anong kinulikot nya doon pero mukhang wala siyang mapatutunguhan. Iritado nalang akong tinulak ang upuan niya at ako na ang gumawa. "Estimating the time maaaring sa pagitan ng 10-11am niya sinet-up ang lahat dahil class hour ito considering na alam niya kung saang cubicle ilalagay ang kung ano mang patibong niya ibig sabihin ay malapit siya sa biktima or talagang pinaghandaan niya ito. So kapag titignan ang mga footages sa mga oras na ito ay..." saad ko sabay press sa spacebar ay saktong nagpause ang footage at ipinakita ang tatlong babae sa iba't ibang timezone. "You…" saad nito habang nakatingin saakin, habang nakibitbalikat lang ako.   "Since okay na pwede na ba akong umalis?" bored na saad ko, tulala parin siya pero tumango nalang siya na tila wala sa sarili. What's with the look ngayon lang ba siya nakakita ng ganun? Uso na ang mga magagaling sa ganun bagay kaya bakit nagulat pa siya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook