bc

The Necklace

book_age16+
930
FOLLOW
5.8K
READ
family
others
drama
sweet
humorous
lighthearted
straight
small town
friendship
passionate
like
intro-logo
Blurb

H2B Series #3: The Necklace

Ivo has a thing towards Akiko eversince they were young, but the problem is wala sa bokabularyo ng dalaga ang ma-inlove dahil abala ito sa pag-abot ng mga pangarap nito. But Ivo is willing to wait until Akiko is ready to accept him, ngunit hanggang kailan nga ba siya kayang hintayin ng binata gayong maraming tukso at nagagandahang babae ang nagkakandarapa mapansin lang ng sikat na drummer ng H2B?

Makakaya nga ba ni Akiko kung may mahalin na iba si Ivo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Katulad ng madalas gawin ni Akiko sa tuwing break time ang ginagawa niya sa kasalukuyan. Nakapikit siya at nakahiga sa jacket na sinapin niya sa damuhan sa ilalim ng puno ng acacia, sa dulong parte ng school garden habang may suot na earphones at pinapatugtog ang ipod niya. This was her usual routine. Eversince tumuntong siya ng middle school ay ganito na ang ginagawa niya, mag-isa na lamang siyang napaparoon na dati ay laging kasama ang bestfriend na si Heaven. But, everything has changed dahil may boyfriend na ito, at iyon ang kababata nilang si Hunter Isidro. Akiko Joanne San Jose was only seven when she met Heaven. Ang Daddy ni Heaven ang nakabili sa bahay na pinangangalagaan nila simula pa nang magka-isip siya. At kahit na hindi pa sila lubusang kilala ng Daddy ni Heaven ay pinili parin nitong hindi sila paalisin at sinabing manatili sila doon para may kasama ang unica hija nito. So she grew up with Heaven as her bestfriend and sister at Nanay at Tatay ang turing ng kaibigan sa mga Magulang niya dahil sila din ang nag-aruga dito. Malaki ang utang na loob ng pamilya ni Aki sa Daddy ni Heaven. Tinuring sila nitong kapamilya at hindi isang tagasilbi, kung ano ang meron si Heaven ay meron din siya. Kaya nagawa niyang maka-graduate ng elementary sa magandang school at makapag-aral sa exclusive school sa middle school. Kaya ganoon na lamang niya alagaan at protektahan ang kaibigan mula sa mga inggiterang nang-aaway dito. Before, she was just a nobody at tingin sakanya ng mga rich kids sa loob ng village na iyon ay 'poor girl' which is true. She even really looked messes up kiddo dahil chubby siya at morena. Malalaki ang hita niya at braso at wala siyang pakialam sa itsura niya noon. But she became concious on herself nang makilala nila ni Heaven ang grupo ng limang boys na kapwa sa village nila nakatira. And that is, Hunter, Homer, Ivo RJ and Vin. Sabay-sabay silang pito na lumaki at doon mas lalong naging concious sa sarili si Akiko lalo na ng lagi niyang nakikita ang pag-aayos ni Heaven. Sadyang taglay kay Heaven ang kagandahan at kutis nitong mayaman. At kahit ayaw niya ay naiinggit siya dito. Nag-uumpisa na rin na humubog ang katawan nito habang siya ay chubby parin at maitim. "Heaven, ano iyang nilalagay mo sa mukha mo?" Isang araw na tanong niya dahil hindi na siya makatiis. "Cleanser. Ito ang ni-recommend sa akin ng derma ko para hindi dumami ang mga pimples sa face ko." Anito na ikinatango niya. Gusto niyang magpunta din sa derma na sinasabi nito para malaman niya kung paano mapapaputi ang mukha niya at mawala ang mga pimples na tumutubo, pero alam niyang mahal iyon kaya nagiisip siya kung paano magiipon. "Ay, Aki! May mga pimples kana rin pala!" Biglang sigaw ni Heaven na halos ikatalon niya. Napangiwi siya dito nang lumapit ito at pagmasdan ang mukha niya. "Lumayo ka nga, Heaven!" Kinabukasan ay nagulat siya nang dalhin siya ni Heaven sa dermatologists at ipatignan ang mukha at skin niya. Medyo nahihiya pa siya non kaya binatukan siya ni Heaven. "Rember what I told you before, Akiko? Ang kay Heaven ay kay Aki din!" Kinindatan pa siya nito kaya napangiti na lamang siya. Total makeover ang nangyari sakanya ng araw na iyon. After sa derma ay pinuntahan nila ang dietician nito at tinulungan siya sa pagpapapayat. Hanggang sa tumuntong sila ng highschool ay nanatili ang makeover na ginawa sakanya ni Heaven, at kung dati ay ito lang ang pinipilahan ng mga manliligaw, ngayon ay dalawa na sila. And as the time passes by ay mas lumalim ang pagkakaibigan nila, until this day, dahil sobrang busy na ang kaibigan sa boyfriend nito at kahit ayaw niya ay nagtatampo siya. Hindi niya namalayan na nakatulog siya sa sobrang pag-iisip at sa tunog na din ng musika sa tenga niya. Nagising lamang siya at mabilis na napadilat nang maramdaman ang malambot na bagay sa labi niya. Mabilis siyang napabangon ng mapagtanto iyon at makita ang isang lalaki. "Ikaw...!" Kakamot-kamot na humarap sakanya ang lalaki at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang mapagsino ito. "Ivo!" "Sorry.." Anito sakanya saka agad tumalikod. Sandali siyang natulala at napahawak sa labi niya na kanina ay hinalikan ni Ivo. She never imagined na si Ivo ang magiging first kiss niya pero bakit ganoon ang kanyang pakiramdam? Bakit ang sarap ng feeling ng malambot na labi nito sa labi niya? Agad niyang ipinilig ang ulo nang may mapagtanto at mabilis na inayos ang gamit. Tumakbo siya at pilit na hinabol si Ivo na kasalukuyan paring naglalakad saka tinalon at likod nito ng pasalabay habang nakahawak ang dalawang kamay sa buhok nito. "Leche ka, Ivo! Wala kang karapatan na kuhanin ang first kiss ko! Leche ka! Bwisit!" Tili niya habang pinagsasabunutan nito na ikinahiyaw naman ni Ivo. Nakuha na nila ang atensyon halos lahat ng estudyante na nanunuod sakanila ngunit wala ng pakialam si Aki dahil naiinis siya. Napaghiwalay lang ang dalawa nang dumating ang mga kaibigan at buhatin ni Homer si Aki paalis sa likod ni Ivo. Walang tigil sa pagtulo ang luha ni Aki na maging siya ay hindi namalayan at pilit naghahabol ng hininga. Agad naman siyang nilapitan ni Heaven at niyakap. "What happened, Aki? Anong ginawa ni Ivo sayo?" Lalo siyang napayakap kay Heaven at piniling umiyak na lamang. Samantala, inis na ginulo ni Ivo ang magulo niyang buhok saka pinagmasdan ang salamin na na-dislocate matapos nitong malaglag mula sa mga mata niya at maapakan. "Kakapaayos ko palang nito." Iiling-iling na wika niya na nakatitig parin sa salamin. "Bro, anong ginawa mo kay Aki?" Tanong naman ni RJ na tila naaawa sa pag-iyak ni Aki. Ayaw niya kasing may nakikitang umiiyak na babae dahil sa kapatid at Ina niya na mahal na mahal niya. "I kissed her." Simpleng sagot nito saka hinagis kung saan ang salamin dahil hindi na niya iyon maipapa-ayos pa. "WHAT?!" Sabay-sabay na wika ng magka-kaibigan na lalong ikinalakas ng iyak ni Akiko. "Gago ka, Primitivo!" Sigaw niya dito at tumakbo papalayo sa mga kaibigan na agad sinundan ni Heaven. "Easyhan mo lang, bro. Huwag mong masyadong takutin si Aki at baka hindi ka sagutin." Natatawang wika ni Hunter nang silang lima na lamang sabay tapik sa balikat niya. "Nakakainip na kasi, ilang beses na akong nagpapa-pansin pero wala paring epekto." Aniya na lalong ikinatawa ng apat. He really likes Aki. May taglay kasing kagandahan ang dalaga na tanging si Ivo lamang ang nakakakita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

POSSESIVE MINE

read
969.7K
bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

His Precious Property

read
614.0K
bc

Marrying My Fiancee

read
460.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook