bc

My Sweetest Masquerade (Tagalog)

book_age18+
1.3K
FOLLOW
5.3K
READ
comedy
bxg
enimies to lovers
sassy
like
intro-logo
Blurb

Nagpanggap si Althea bilang isang nerd at old fashion lady para tuklasin ang katauhan ng babaeng kalaguyo ng ama. Pumasok siya bilang katulong sa bahay na pinapasukan ng kaibigan si Alili. Ngunit hindi niya inaasahan na ang kanyang magiging amo ay ang lalaking noon pa niya pinangarap na maging kasintahan.

Si Alfie Sebastian ang kanyang kaklase noon. Ang lalaking pilit siyang iniiwasan sa hindi malaman na dahilan. 

Ano ang gagawin ni Althea kung ang lalaking gusto niya ay malamig pa sa ilong ng pusa ang pakikitungo sa kanya?

Magkasundo kaya sila Alfie ngayong nasa isang bahay lamang sila?

Mabuo pa kaya ni Althea ang pamilyang unti-unting nawawasak?

Saan hahantong ang kanyang pagbabalatkayo? 

chap-preview
Free preview
Chapter 1
THEA'S P.O.V Sa tahanan ng mga Lee ay nag-katampuhan ang mag-amang Clarence at Thea. Nagrerebelde si Thea nang malamang may kalaguyo ang kanyang ama. Nag-iisang anak na babae si Thea, kaya ang buong angkan nila ay tinuring siyang prinsesa. Salat siya sa pagmamahal ng kanyang mga magulang dahil abala ang mga ito sa kanilang negosyo. Lumaki siya sa piling ng kanyang Lolo at Lola. Ang kanyang tiyuhin na siyang nag-alaga sa kanya at itinuring siyang tunay na anak. "Thea... Bumalik ka rito! Hindi pa tayo tapos mag-usap," sigaw ng kanyang ama. "No need Dad! Kakausapin lang kita kapag nakita ko na ang pagmamahal mo sa amin ni Mommy lalong-lalo na sa akin. Ipapakita ko sayo na nagkamali ka at pera lang ang habol ng babae sayo," gigil niyang tugon. Dinampot ko sa sofa ang aking backpack na kanina ay inihanda ko sakaling magkaroon ng problema. Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Nakasalubong ko naman ang driver at ang bodyguard ni Daddy na papasok sa loob. "Hey! Kayong dalawa sabi ni Daddy bumili daw kayo ng dalawang malaking bulaklak para sa patay at ilagay niyo sa harap ng pinto," utos ko sa dalawa. May naisip akong kalokohan para kay Daddy at sa malandi niyang kabet. "Ma'am para kanino ba? May namatay ba sa pamilya niyo? Wala naman kasi nabanggit ang iyong Daddy sa amin," tanong ni kuya Joseph ang bodyguard ni Daddy. "Basta sundin niyo na lang ang utos niya, kung hindi ay malilintikan kayo no'n," panakot ko pa sa dalawa. Agad naman silang tumalima para sundin ang utos kono ni Daddy. "Ah...Wait! Ito nga pala ang pera, dagdagan niyo pa ng ilang pakete na kape at apat na latang biscuits. Paki-lagay na rin sa ribbon yung name na The memory of C. L at iyong isa naman ay The memory of Y. S," dugtong ko pa at tinanguan lamang ako ng dalawa. Natatawa ako sa kalokohan ko. Tiyak na uusok si Daddy sa galit kapag nalaman niya na ang initial ng kanilang pangalan ng kanyang kabet ang nakalagay sa ribbon. Nagtaxi na lamang ako patungo sa bahay ng kaibigan ko. Apat na taon na rin akong nandito sa Maynila kaya sanay na ako sa buhay dito. Simula nang mag-asawa si Uncle Darc ay bihira na lamang itong dumalaw sa amin ni Grandma. Kaya naisipan ko na lang na dito na rin sa Pilipinas tumira. Nang makarating ako sa bahay ni Alili ay naabutan ko itong naglalaba. Araw kasi ng linggo kaya wala itong pasok sa pinapasukang bahay bilang katulong. Mahirap lamang ang buhay ni Alili, nakatira sila ng kanyang ina sa isang squater area. Tanging siya lang ang kaibigan ko na mahirap at hindi inabuso ang tulad ko. Naekwento ko sa kanya ang buhay ko pagkatapos niya akong tulungan sa mall nang madukutan noon. "Oh! Prinsesa na walang korona napadalaw ka? Hindi ka man lang tumawag na darating ka?" bungad niyang tanong. "Li pwede bang dumito muna ako sa inyo habang naghahanap ako ng mapasukang trabaho. "Oo naman welcome ka dito sa bahay, pero teka nga! Lumayas ka ba sa inyo?" "Pansamatala lang muna Li habang hindi pa natauhan si Daddy sa kanyang mali. "Bakit ano ba nangyari sa inyo? Nag-away ba kayo ng Daddy mo?" tanong niya habang nagsasampay ng mga damit. "Nalaman ko kasi na may kalaguyo ito at umuwi si Mommy sa mga magulang niya. Kaya ayun sa galit ko pinagbili ko ng bulalaklak para sa patay si Daddy at ang kabet niya," natatawa kong sagot. "Naku kalokohan mo talaga! Palagay mo ba hindi ka ipapahanap ng iyong Daddy?" baling tanong niya. "Kaya nga sayo ako lumapit para humingi ng tulong. Ikaw lang kasi ang kaibigan ko na hindi kilala ng Daddy. "Anong tulong naman ang hihingiin mo sa akin?" "Gusto ko sanang maghanap ng trabaho na hindi ako mahahanap ni Daddy." Please Li!" paki-usap ko sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Oh' siya halika sa loob na tayo ng bahay mag-usap. Baka pagpantasyahan ka ng mga manyakis kong kapitbahay," sabi nito sabay hila sa akin papasok sa loob. Naabutan ko namang nagluluto ang kanyang ina. Napalingon ito sa amin. Agad ko namang binati at nilapitan para magmano. Nakaugalian ko na rin ang gumaya kay Alili bilang palang sa mga matatanda. Sanay na rin sa akin ang kanyang ina. Magkasundo kami ng ina ni Alili dahil minsan isip bata rin ito kung umasta. Nakikisakay rin sa amin ni Alili kapag nagbibiruan. "Buti napadalaw ka Thea, tamang-tama at kakatapos ko lang magluto nang pananghalian. Dito ka na kumain sa amin," yaya ni nanay Nelia. "Sige salamat po Nay," tugon ko. Umupo kami ni Alili sa maliit nilang mesa. Hindi man ako sanay sa buhay nila ngunit kailangan kong makibagay. "Nay, pansamantala munang makikitira si Thea sa atin," ani Alili. "Aba'y welcome ka dito sa amin Thea," walang pag-alinlangan na sagot ni Nanay Nelia "Salamat po Nay," tugon ko. "Teka nga! Naglayas ka ba sa inyo? Ano magtatanan ka?" "Nay naman kalma lang! Wala pa nga siyang boyfriend tanan na agad!" awat ni Alili sa ina. Napapangiti ako sa naging reaksyon ni Nanay Nelia dahil masyado siyang advance thinking ngunit mali naman. "Naku Nay, iniiwasan nga ako ng lalaking gusto ko," sabat ko naman. "Huh! Sa ganda mong 'yan tapos b***h kid ka pa," gulat niyang sambit. "Nay rich po, hindi b***h dahil magkaiba po ang meaning no'n," pagtatama ni Alili sa ina. "Hay... Pagpasensyahan mo na itong Nanay mo dahil kung saan-saang kangkongan kami nakarating ng tatay mo noong nag-aaral kami," nakangisi nitong sagot. "Ayan ka na naman, sinisi mo pa si Tatay nanahimik na sa kabilang buhay. Sige ka baka bigla ka lang sampalin ni tatay nang di mo alam. Mabuti pa kumain ka na lang muna, mamaya na lang namin sabihin sayo," ani Alili sa ina. "Hoy! Alili nanakot ka ba?" tanong ng ina na pinanlalakihan siya ng mata. Tumawa nang malakas si Alili sa tanong ng ina. Ngunit ang ikinagulat namin ay biglang bumulusok paillalim si Nanay Nelia. "Nay!" malakas na sigaw namin ni Alili. Agad akong tumayo sa kinauupuan kahoy na upuan. Sumunod naman si Alili sa akin. Nang makita ko si Nanay Nelia ay nakabaluktot ang kanyang katawan. Nasa taas ang mga paa at ang saya nito nakatakip sa kanyang mukha. "Aray ko! Huhuhu ang baywang ko!" ungol ni Nanay Nelia sa sakit na nararamdaman. Bumigay at nasira ang inuupuang nitong kahoy na upuan, kung kaya natumba siya. Nagmadali akong inalalayan siya patayo, ngunit panay ang daing nito sa kanyang balakang. "A-Ah...Aru... Aray ko! Ang balakang ko bali na!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Contract - Tagalog

read
753.3K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.4K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
760.0K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook