bc

Obvious (GXG)

book_age16+
208
FOLLOW
1K
READ
drama
sweet
LGBT+ Writing Contest
gxg
bisexual
betrayal
disappearance
first love
lesbian
turning gay
like
intro-logo
Blurb

Student Council President si Liane Kaye, kilala ito bilang Cold Hearted Goddess. Napaka intimidating kasi ng dating nito ngunit sa kabila nun, marami pa ring nag kakandarapa sa kanyang mga lalaki at maging babae dahil sa taglay nitong ganda.

Kasalungat naman sa bunso nitong kapatid na si Ariane Grace Student Council Vice President, o kilala bilang Charming Princess. Napaka bait kasi nito at napaka friendly halos lahat ata ng tao sa school ay kilala sya. At kung pag dating sa kagandahan di rin ito mag papatalo sa Ate nya, marami ring lalaki ang nahuhumaling dito.

Kahit mag kasalungat ang ugali ng mag kapatid, mahal na mahal naman nila ang isa't isa.

Pero paano kung may isang Lauren Rae ang dumating sa buhay nila, na mag papabago at mag papagulo ng mundo nila? Maaapektuhan ba nito ang pag mamahalan nila bilang mag kapatid?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Lauren's POV: Ako nga pala si Lauren Rae 19years old, 3rd year college sa kursong Business Ad. Binabayaran ng Step Father ko ang tuition fee ko sa school pero ang allowance ko at other projects minsan palihim pang ibinibigay sa akin ni Mama, pero syempre di lang naman ako umaasa dun. Working Student ako at kasalukuyang nag pa-part time job sa isang fast food chain. Hindi kami masyadong malapit ng Step Father ko, malayo ang loob ko sa kanya ramdam kong ganun rin naman ito sa akin. Maaga raw kasing namatay ang father ko, dahil sa karamdaman nitong sakit sa puso. Yun ang sabi sakin ng Mama ko, nakakalungkot lang kasi kahit picture ay wala itong maipakita sakin. Kaya wala talaga akong ideya kung ano ang itsura ng Biological Father ko. Naglalakad ako ngayon sa gilid ng kalsada, kakagaling ko lang kasi sa isang convenient store para bumili ng beer. Gusto ko lang kasi talagang makatulog agad, panigurado kasi sa dami ng iniisip ko baka di nanaman ako makatulog. Pano ba naman kasi nakipag kita lang sakin ang napaka gwapo kong boyfriend para sabihing may malaking problema sya... Flashback: Nasa park ako ngayon at inaantay ang pag dating ng pasaway kong boyfriend, ano nanaman kayang gulo ang pinasok ng mokong na yun ngayon? Kapag kasi ganito na gusto nya akong makita agad it's either may masaya syang balita or it's either bad news. But this time tingin ko, hindi maganda ang kutob ko. Di nag tagal ay dumating na rin sya. Sa expression palang ng mukha nya, mukhang alam ko ng problema na naman ito. "Hon..." panimula nya sabay halik sa pisnge ko. "Hmm... what is it this time?" tanong ko habang naka halukipkip. "Hon, nag karon ako ng utang kay Jasper..." Jasper?! Sa pagkakaalam ko ito yung mayaman at mayabang sa kabilang grupo. May grupong kinabibilangan itong boyfriend ko, parang fraternity ba at ngayon ay nagkautang pa sya sa kalaban nila. "Anong utang ba? Utang na loob? Pera?" tanong ko. "Pera." Di makatingin ng diretsyo sakin si Denise. "What?! Magkano din?" gulat na tanong ko. "20 thousand...Hon please pautangin mo ko." Sagot nito at lumuhod pa sa harap ko. "20 thousand?! San naman ako kukuha ng ganung halaga?" "Hon please..." pag mamakaawa nito. "Hon I can't promise you that. Pero I'll try my best." Gosh! Saan ko naman kukunin ang ganun ka laking halaga?! Minsan talaga masakit sa ulo itong boyfriend ko. Haaaish! Kung di ko lang talaga sya mahal. End of Flashback Habang nag lalakad may napansin ako sa unahan, may isang babae ang pilit ipina papasok sa isang eskinita. At mukha pa itong nanlalaban. Literal na nanlaki ang mga mata ko ngayon lang kasi ako nakakita ng live na holdapan. Tapos yung mga tao sa paligid parang wala man lang nakita, o sadyang ayaw lang nilang makialam. Haaaay. Mga tao talaga ngayon. Ngunit aaminin ko maging ako man ay nakakaramdam ng matinding pagkatakot parang gusto ko na ring tumakbo papalayo. Pero kawawa rin naman yung babae kapag hinayaan ko lang, baka mapano pa konsensya ko pa. Haaaish! Bahala na... Nakapag pasya na ko! Naghanap ako ng pwede kong ipamalo o pang depensa sa paligid. may nakita akong isang tubo ng bakal sa gilid ng isang saradong tindahan. Mabilis ko itong kinuha. Pwede na siguro to... Dahan-dahan kong tinungo ang eskinita kung saan ko nakita ang sapilitang pag kaladkad sa babae. Ng makarating ako dun nakita ko ang dalawang bulto ng tao sa di kalayuan, medyo madilim kasi kaya di ko masyadong makita ang mga mukha nila. "Miss, ibibigay mo ba ang mga gamit mo o papatayin kita?!" narinig ko pang tanong ng lalaki habang tinututukan ito ng matulis na bagay. Bahagyang nakatalikod ang lalaki sa gawi ko at nakaharap naman sa akin yung girl, pero mukhang di nya ata ako napansin dahil na rin siguro sa takot at nakatuon lang ang atensyon nya sa lalaking kaharap. "K-Kuya m-maawa ka, wag mo kong papatayin ..." pagmamakaawa nito, halata sa boses nya ang sobrang takot. "Ibigay mo sabi-" Di na natapos ng holdaper ang sasabihin nya ng bigla ko syang hinampas ng tubo na hawak-hawak ko. At dahil sa first time kong manakit ng tao, nanginginig pa ang mga kamay ko habang ginagawa yun kaya ang ending medyo mahina lang ang pagkakahampas ko dito. Pero sapat na ito para mapaluhod sya sa sakit ng likod. Di na ako nag aksaya ng panahon mabilis kong hinawakan ang wrist ng babae at hinila sya papalayo. Napansin kong agad bumangon ang holdaper kaya mas binilisan ko pa ang takbo. "Hooy babae! Bilisan mo naman!" singhal ko dito. Asar! Nakasunod pa rin yung lalaking humahabol samin. Kailangan naming mailigaw ang lalaking to. Patay kami pag nag kataon. Bat ko pa kasi pinasok ang gulong to ehh... Sa isip-isip ko habang patuloy pa rin sa pag takbo. Teka may naisip ako! "Bibitawan kita, tumakbo ka ng mabilis okay?!" saad ko dito. Tumango lang ito, habang patuloy kami sa pagtakbo kinuha ko mula sa supot ang isang beer in can. Tumigil ako at mahigpit na hinawakan ang lata, nakita kong papalapit na sya sa akin. I pose as if I'm a pitcher sa isang baseball game, and I'm about to give my best pitch at ang target ko ay ang pagmumukha ng holdaper na papalapit ngayon sa akin. Malakas kong inihagis sa lalaki ang lata ng beer, buti nalang dahil tsambang nasapul sa pagmumukha ng holdaper ang bagay na hinagis ko. Ng makalayo na kami hingal na hingal kaming napatigil sa isang park malapit lapit sa bahay namin. Buti nalang talaga at nailigaw na naming yung panget na holdaper na yun. Jusko! akala ko ikakamatay ko na yun. Sabi ko sa isip ko habang hawak hawak pa rin ang dibdib ko dahil parang kinakapos ako ng hininga. Umupo ako sa isang bakanteng upuan na malapit sa kinaroroonan namin, sumunod naman ang babaeng kasama ko. "Maraming salamat huh?" maya-maya ay saad nito. "Wala yun, kahit sino naman ay gagawin yun." "I don't think so, you were so brave back there." Nakangiti nitong sabi. Nawala na yung matinding takot sa mukha nya kanina. Bahagya pa kong napa nganga ng mapagtantong napaka ganda ng babaeng nasa harap ko ngayon. Mukhang may lahi ata kaya ganito ka ganda, walang binatbat ang ganda ko sa kanya. "Sa susunod wag kang maglalakad ng mag isa ha?!" sumbat ko dito. "Eh mag-isa ka rin naman ahh." Sagot nito na ngayon ay nakanguso na. Tsss.... pilosopa din to ehh. bulong ko. "Huh?" tanong nito. "Wala namang kaso sakin yun kako. Kasi taga rito ako, at malapit lang ang bahay namin. Eh ikaw San kaba nakatira?" "Hmmm.. Basta malayo dito." malungkot na sabi nito. "Actually first time ko kasi mag commute, sinubukan ko lang. Wala rin kasing mag susundo sakin dahil nag karon ng emergency. Ang malas ko lang dahil ang napag tanungan ko ee holdaper pala, he grabs that opportunity. Kunwari dun ang sakayan ng taxi pero hindi pala. Buti nalang talaga at dumating ka." pahayag nito. "I'm glad dahil nakatulong ako, pero sa susunod mag pasama ka nalang kung may mga kakilala ka naman dito. Delikado na kasi ngayon lalo na sa mga babae yun kasi madalas na pinopunterya nila, ano lang ba naman kasi ang lakas natin kumpara sa mga lalaki." litanya ko. "Parang ayoko na nga mag commute ehh... pakiramdam ko nag ka phobia ako agad." natatawa nitong sabi. "Kahit sino naman siguro ganun ang mararamdaman, kapag naranasan ang ganung klaseng pangyayari." "Uhhm. Pwede ba...." Saad nito at mukhang alanganin pa kung ipag papatuloy ang sasabihin. "Pwedeng ano?" tanong ko. "Pwede ba akong makitulog nalang sa inyo, kahit mag babayad nalang ako. I'm still scared, magpapasundo nalang ako kinabukasan sa driver ko." Nahihiya pang sabi nito. Makikitulog? Pwede naman siguro since wala naman sila mama sa bahay. At mukhang di naman sya masamang tao. "Sige, bukas ka nalang umuwi. Maglakad nalang tayo pauwi samin di naman kalayuan dito ee." Saad ko at nag patiuna ng maglakad. Nagulat pa ako dahil bahagya nyang hinila ang laylayan ng damit ko. Tinignan ko sya na may halong pag tataka. Agad nya naman itong binitawan ng makitang nakatingin ako sa kanya. "Sorry... medyo natatakot pa rin kasi ako ehh." nahihiya nitong tugon. "Kahit medyo weird sige okay lang..." sabi ko dito ng nakangiti. Mukhang nahiya ata kaya di nya na uli ginawa. Napangiti nalamang ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.7K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
198.8K
bc

SILENCE

read
380.8K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook