Dreame - Somewhere I Belong (Complete)
Somewhere I Belong (Complete)
book-rating-imgREADING AGE 16+
Sapphire Morales
Romance
ABSTRACT
DAILY UPDATE
Pagkalipas ng labintatlong taon ay nagkalakas-loob si Lianne na harapin uli ang ama na umabandona sa kanya―hindi para makipagbati rito kundi para kunin ang kanyang mana. Kailangan niya iyon para maisalba ang bahay at restaurant na iniwan sa kanya ng namayapang ina. Her father offered her a deal. Ibibigay nito sa kanya ang mana niya kapalit ng isang buwang pananatili niya sa piling nito. At kasama na rin doon ang pagsunod niya sa lahat ng nais nito. Tinanggap iyon ni Lianne kahit labag sa kalooban niya. Napilitan rin siyang magtrabaho sa kompanya ng pamilya nila sa ilalim ng pamamahala ni Xander, ang lalaking kinupkop at pinalaki ng kanyang ama na parang isang anak. Malaki ang galit niya rito. Pakiramdam kasi niya ay inagaw nito ang atensiyon at pagmamahal ng ama na dapat sana ay sa kanya. Ngunit dahil palagi niyang nakakasama si Xander, unti-unting lumambot ang puso niya para rito. Hanggang sa aminin niya sa kanyang sarili na mahal na niya ito. Pero isang lihim sa kanyang pagkatao ang nadiskubre niya na magiging dahilan para kusa siyang lumayo sa piling ng binata…

Library

Discover

Genre

Me