bc

A Secret Prophesy (Free to Read)

book_age12+
1.0K
FOLLOW
3.1K
READ
mermaid/mermen
mythology
magical world
another world
superpower
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Nagbago ang buhay ni Cassandra Sanchez nang magkaroon ng trahedya sa bahay ng kaniyang tiyahin,  kung saan siya ay pansamantalang nagbakasyon. Doon ay makikilala niya ang estrangherong pilit na nagkukubli sa tunay nitong katauhan.

Kapwa sila ay pinagtapo ng tadhana sa hindi inaasahang pagkakataon -- ang imortal at mortal na nilalang, hanggang namalayan na lang ni Cassandra na siya ay nahahatak sa kakaibang mundo nito.

Makakaya kaya ng isang ordinaryong nilalang na manatili sa mundong alam niyang hindi siya nabibilang sa umpisa pa lang?

chap-preview
Free preview
P R O L O G U E
"YOU can't hide him from the truth." A god was talking to her wife with disbelief. They were in his kingdom, where poor souls stayed for eternity in hell. "Hindi mo basta-basta malalayo sa akin ang ating sariling anak, Persephone." Hindi nagsalita ang kaniyang asawa na napupuno ng hinagpis ang mga titig nito sa kaniya. "Gustong-gusto kitang kasusuklaman, mahal ko. Kasalanan mo ang lahat kung bakit wala sa atin ang ating anak. Kung bakit ko nilayo sa mundo natin. I want him to live in peace and not to use him in the future." Namumuo ang mga luha sa mga mata ng kaniyang asawa. Mula sa malayo, tiningnan ni Hades ang isang sanggol na hawak-hawak ng mortal na babae. Gamit ang isang salamin na nababalutan ng mahika, malaya nilang nakikita ang kanilang anak sa mundo ng mga mortal. "Sinaktan mo lang ang sarili mo sa ginawa mo." Kalmado pa rin si Hades kahit na nag-hi-hysterical na ang kaniyang asawa. Hindi na niya maibabalik pa ang kanilang anak sa Underworld. Hindi lang ito itinapon sa labas ng kanilang kaharian, tinanggalan din ito ng kaniyang asawa ng kakayahang makabalik. "Someday, you will understand about his bright future. Siya ang itinakda ng propesiya ng Olympus." Matigas ang kaniyang boses na para bang nagbabadya na tama siya at mali ang hinuha ng kaniyang asawa. Tinignan siya ni Persephone nang ubod ng sama, at pagkadisgusto sa huli niyang sinabi. "Nagkakamali ka, mahal kong Hades. I will do everything to stop the prophesy. Hindi ko hahayaang maging kasangkapan mo ang ating anak para sa hidwaan ninyong magkakapatid." "Tumigil ka na! Hindi ka nakakatulong, mahal ko. You can't hide him forever," paalala niya sa kaniyang asawa. "Balang araw, mangyayari ang nakasaad sa propesiya sa ayaw mo man o gusto."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ZACH HOFFMAN

read
225.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.5K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
198.8K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
470.0K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook