bc

A Kiss From Wonderland (Completed)

book_age12+
512
FOLLOW
1.1K
READ
revenge
reincarnation/transmigration
second chance
magical world
another world
first love
lies
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Nathaniel Vena, an ex-god, accidentally meets the Red Queen from Wonderland. Nagkrus ang kanilang landas nang tumakas ang reyna sa mundong 'yon at piniling magtago sa mundo ng mga tao.

He has every reason to hate her knowing her existence in a fairytale story. Ngunit sa hindi maipaliwanag na desisyon, mas pinili niyang tulungan ang reyna at maging isang pansamatalang kabalyero nito

In a world where two souls have no right to get their own forever, will true love exist?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Stupid heart, when it will stop from beating? "Hindi na kita mahal." Parang ayaw makapaniwala ni Nathaniel Vena sa mga masasakit na salitaan ni Claire, his girlfriend. Napatigil sila sa kalagitnaan ng park, ang paboritong lugar nilang dalawa. His eyes are in rage and full of disappointment, and he cannot just deny that it hurts deep inside. "Bakit ngayon pa, Claire? We've been together for two years. Bakit ka naman nagkakaganiyan? Ang lahat ba ng sa atin ay wala lang iyon?" Naninikip ang dibdib ni Nathan. He just can't believe it. Wala naman silang matinding away. Never silang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Bakit ganito pa rin ang kalalabasan? Parang gusto niyang itanong sa kaniyang sarili kung ano ba ang mali sa buhay niya -- kung bakit napupuno siya ng kamalasan -- but he stops. Alam niyang kabayaran ito sa kaniyang kasalanan sa nakaraan ng kaniyang buhay. That this is his father's way of punishment. No matter how he tries to convince himself that everything is okay, the pain is still inevitable. "I don't love you." Matigas na pagkakasabi ni Claire, na para bang inuulit-ulit pa yata ng kaniyang utak. Nahihirapan i-absorb ito ni Nathan. "I really thought that I can kaso hindi ko na talaga kaya, Nathan. I tried, but I know it won't work." Nathan can barely breathe. Nanatili siyang nakatayo roon, sa harapan ng babaeng inakala niyang magiging kaniya na for good. She is still beautiful kahit hindi ganoon katangkaran. "You're joking, right? Sabi mo pipilitin natin. Sabi mo ita-try out natin na mag-work. Come on, Claire!" His voice is begging of chance. He wants to hold her close, pero pinilit niyang huwag lumapit. Kapag aalisin niya ang distansiya na mayroon sila, baka mas lalong mabaliw siya sa sakit. Tumingala na lang si Nathan. Dapit-hapon. Maaliwas ang langit. Idinaan niya ang kirot sa puso sa pag-iwas sa mga mata ni Claire. Alam naman ni Nathan ang katotohanan. Hindi siya bulag. Hindi siya manhid. Katulad lang din ito ng una niyang pag-ibig. Pero hindi katulad noon, he didn't force her to love him. Ang lahat ay napunta sa sarili niyang sikap. "Mahal mo siya?" Seryoso ang mukha ni Nathan habang nadudurog na ang puso niya sa simpleng tanong na 'yon. Kung hindi ka talaga mahal ay hindi ka talaga mahal. Ganoon ka-simple lang. Bakit kasi kung 'di ka mahal ay hindi rin kayang ma-remedyuhan sa efforts? Bakit walang ganoon? At kahit ayaw mang sagutin ni Claire, he can see the pain out from the truth right through her brown eyes. She is in love with his nephew from his former life, si Ivan. Subalit, si Ivan ay may minamahal na rin. Kaya technically, Claire is in love to a man who can't love her back. How ironic. Bakit dadating sa puntong kailangan nilang mahalin ang hindi para sa isa't-isa? "Ayaw muna kitang makita, Nathan." Tumalikod na si Claire, stepping away from him. "I just want to have some time alone. Please, huwag mo na akong susundan. Alam kong nasaktan kita. But this is for the best. Malay mo, pagkatapos nito, ma-realize mo na hindi naman talaga ako ang para sa 'yo." Tuluyan nang lumayo si Claire sa kaniyang gawi. Walang magawa si Nathan kundi sundan na lamang iyon ng tingin. Naiwan siyang nakatulala, nakatanga. Parang umulit lang ang nakaraan, ang dati niyang buhay. Ganitong-ganito rin ang tindi ng sakit. Ang pagkabigo. At ang pagkatalo sa pag-ibig. But this time, sisiguraduhin niyang iba na ngayon. Hindi na siya magiging selfish sa isang pagdedesisyon. Hindi na siya iyong diyos na gagamitin ang kapangyarihan, mapasakaniya lang ang pagmamahal na hindi laan para sa kaniya. It will be so damn hard to do that, but at least he now knows his mistake. Maybe, happy ending isn't for him. Maybe, he must stop wanting to have one. Sigurado si Nathan na ito talaga ang parusa ng kaniyang ama -- ang maging miserable. TULALA PA RIN si Nathan na nakaupo sa bench na yari sa bakal. Nandoon pa rin siya sa park at inabutan na ng gabi. He checks his watch. It's already nine o'clock in the evening. Pagod na siya sa lahat-lahat. Life is unfair as always. Tanggap naman niya iyon noong una but he met Claire. Bigla na lamang nawala ang kaniyang pagmuni-muni sa madilim na kalye nang makarinig siya ng kakaibang tunog na nanggagaling sa itaas. Palakas nang palakas ang simoy ng hangin na para bang may kung anong magaganap sa kaniyang lokasyon. Napatingala si Nathan. Laking gulat pa niya nang mapansin ang nahuhulog na babae galing sa ere. Without having a second thought, nag-teleport siya. He catches her with his bare hands. Sakto lang ang kaniyang timing kung hindi mamamatay ito sa impact nang pagkahulog. Nakatayo lang doon si Nathan habang bitbit pa rin ang nasabing babae na walang malay. Pinagmasdan niya ito na napupuno ng galos ang katawan. May malaking hiwa ito sa maamo nitong mukha, mula sa noo hanggang sa kaliwang pisngi. Maganda at umaalon pa sa hangin ang mapula nitong buhok. Nakasuot ito ng kakaibang uri ng disenyo na kasuotan. Parang naka-bestida, ngunit gawa ito sa kakaibang tela na tila ba'y yari rin sa armor ng isang kawal. May hugis-korona itong tattoo sa may noo at halatang galing pa sa isang matinding labanan. No doubt, she is not a human. Pero, saang mundo ito galing? Anong klaseng mundo? Sa dami ng tanong na pumapasok sa utak ni Nathan, nawala pansamantala sa kaniyang isipan ang problema niya kay Claire. Wala siyang pakialam kung sino ito. The main problem is how to get rid of this woman as soon as possible. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.4K
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.5K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

CLOSER

read
140.4K
bc

YOU'RE MINE

read
893.2K
bc

SILENCE

read
380.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook