bc

Unzipping My Playmate's Pants

book_age16+
1.2K
FOLLOW
4.5K
READ
possessive
sex
one-night stand
independent
heavy
betrayal
friendship
passionate
seductive
Neglected
like
intro-logo
Blurb

The infamous Cassandra Aragon is the perfect description of the word b*tch. She’s great doing two things: managing her businesses and playing with men. For Cassandra, men are just toys she can play with anytime she wanted and in just a snap of her fingers.

Not until Daryl Montenegro came, the exact opposite of Cassandra. Daryl is the nice-guy-type of a man that intrigues Cassandra. He taught her that the past could be a lesson she could learn but not the basis of her future.

Will she ever find in her heart to forgive her father who she blames for the kind of woman she has become?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAGPUPUYOS na naman ang kalooban ni Cassandra Aragon. Lintik na buhay ’to! Ako na naman ang nakita ng magaling kong ama! Bwisit! Kaya ayoko umuuwi dito sa bahay namin sa Cavite. Para akong naka-spot light dahil ako na lang ang laging nakikita. Kung makapag-salita pa sya, akala mo naman napagaling nyang ama! Nuknukan naman ng sinungaling! "Bakit n’yo pa ako pinauwi dito kung ganyan lang din naman?" naiinis na tanong ni Cassandra. "At pwede ba? ’Wag nga kayong mag salita dyan na akala nyo matino kayong tao. Sa iba pwede niyo ‘yang gawin, pero ’wag sa akin. Kilala ko ang likaw ng bituka n’yo, magaling kong ama." bakas ng sarkasmong usal niya, mabilis niyang tinalikuran ang ama at pabadog na nag-martsa pabalik sa kanyang silid. "Cassandra! Bumalik ka rito!" Sigaw ng ama ni Cassandra na si Leandro. Tila naman bingi ang dalaga na hindi na pinansin ang ama. Sa bawat araw na ginawa ng Diyos kapag magkasama sila sa iisang lugar ay hindi maaring hindi sila mag-aaway at magtatalo. Pakiramdam ni Cassandra ay naging ama niya si Leandro upang may kainisan lamang sya sa araw-araw. Laking pasalamat na nga lamang niya nang makalaya siya sa poder nito. Makikita lamang niya ang ama kung kailan niya gustuhin. Para kay Cassandra, siya ay isang ulila na. Walang magulang. Walang sinoman na maaring maasahan sa panahon ng pangangailangan. Kaya nga yata wala na siyang pakialam pa sa ibang tao kung ano man ang iisipin ng mga ito. Pabagsak na nahiga ang dalaga sa kanyang kama, ramdam pa rin ang galit niya sa kanyang ama. Kapag talaga narito sya sa bahay nila sa Cavite walang oras na hindi s’ya nag ngingit-ngit sa galit. Mula pa noong bata s’ya tumatak na lang talaga sa isip nya ang pagkamuhi sa sarili nyang ama. Huminga ng malalim si Cassandra upang kumalma ang kalooban. Dinampot na rin niya ang kanyang cellphone na nasa bedside table. Mabilis niyang ini-unlock ito nang makitang may mensahe ang kaibigang si Gino. Wit gora itey! Tara boys hunting! Sa Embassy Bar tonight! Nasaan ka ba? Call me ASAP. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Cassandra nang mabasa ang sinabi nito. Sa wakas, may maidadahilan na ulit siya upang makalabas sa munting hell hole na lugar na ito. Bumangon na si Cassandra upang magpalit ng damit. Her usual get-up? Mini skirt, crop top, and a pair of high-heeled shoes. Naglagay na rin siya ng make-up kahit pa alam na naman niyang hindi na ito gaanong kailangan. Wala rin namang kailangang baguhin o itago pa sa mukha niya. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero namana niya ang angking kagandahan ng kaniyang ina na may lahing Greek o Hellenes. Ang kaniyang Lolo ay purong Hellenes na ipinanganak at lumaki sa Athens, Greece habang ang kaniyang Lola naman ay isang purong Pinay na nag mula sa probinsya ng Quezon. Kung paano nakilala ng kaniyang Lola ang kaniyang Lolo ay isang napaka gandang istorya na hilig i-kwento sa kaniya ng kaniyang ina noong siya ay ipinagbubuntis pa lamang, ayon sa kaniyang yaya. Saksi ito tuwing gabi habang nasa nursery pa ang kaniyang ina at Yaya at buntis pa lamang sa kaniya ang ina noon ay hilig na nitong kausapin siya habang nasa sinapupunan pa. Ubod ng ganda ng kaniyang ina at hindi iilan sa kanilang family friends ang nagsasabi na hindi maikakaila na anak siya nito. Para raw silang pinag biyak na bunga. Kuhang-kuha niya ang angking kagandahan at kinis ng kaniyang namayapang ina. Totoo naman ang sinasabi ng mga ito. May hawig nga siya sa kaniyang ina kung kaya’t bawat pagkakataon na titingin siya sa salamin ay para niyang nakikita ang repleksiyon ng kaniyang ina. At bawat pagkakataon na maiisip niyang kahawig siya ng ina, hindi maikakaila ang lungkot at sakit na nadarama. Dahil kailanman ay hindi nya nakagisnan ang kaniyang ina. Ni isang kusing ng ala-ala na nakasama niya ito ay wala itong pabaon sa kaniya. Kasabay ng pagluwal niya sa mundo ay ang siya namang paglisan ng kaniyang ina. Umiling-iling si Cassandra upang mapawi ang sumagi sa isipan. Muli niyang ibinalik sa kasalukuyan ang isip. Tama, whatever she wear will always suits her. Her mere presence is enough to catch everyone’s attention in the bar. Nang satisfied na siya sa kanyang itsura sa salamin ay isang malanding ngiti muna ang kumawala sa kanyang mga labi bago tuluyang lumabas ng kanyang silid bitbit ang kaniyang Hermes bag. Nadaan pa niya sa sala ang kanyang ama at ang asawa nito na si Elizabeth. Ngunit para sa kanya ay iisa lamang ang asawa ng kanyang ama mula noon hanggang ngayon, ‘yun ay ang kanyang ina. Walang sinoman ang maaring pumalit sa pwestong iniwan ng kanyang ina bilang reyna ng kanilang tahanan. Umasa pa ‘yang Elizabeth na ‘yan ngunit hinding-hindi ito aabot man lang sa kalingkingan ng kanyang namayapang ina. Hindi nya pinansin ang dalawa at dere-deretso lang na lumabas ng bahay. Manners? Ibinibigay lamang ito ni Cassandra sa mga taong tunay na nararapat makatanggap nito. Hindi kailanman mangyayari na i-respeto nya ang dalawang ito. "Cassandra! San ka pupunta? Sinabi ng may pupuntahan tayong party ng amigo ko!" sigaw na naman ni Leandro. Party na puro plastikan at bulung-bulungan tungkol sa kanya. She had enough of those bullshit. Magsama-sama sila sa pagpa-plastikan nila! At bakit ba sya ang hahatakin nito doon? Bakit hindi nito isama ang magaling na anak ng kabit nito? Ang daming arte pa ng Leandro na ’yan! Isasama sya para ipakita na buo ang pamilya nya? Hinding-hindi na mangyayari ’yon! Kahit kailan hindi na mabubuo ang pamilyang ito dahil wala na si Mama! Kunot-noo na sumakay siya sa kanyang kotse at mabilis na pinaharurot paalis. Nang tuluyang makalayo sa mansiyon ay doon lamang nagpakawala ng malalim na hininga si Cassandra. Nagambala si Cassandra sa ring ng kaniyang cellphone. Kevin calling… "Hey, Babe! Where are you? I kinda miss you, you know!" "I'm on my way to hell. Wanna join?" She said using her ever-famous sarcastic tone. Natawa si Kevin mula sa kabilang linya. "Sure! As long as I'm with you! So are we going to make the hell much more hot?" He teasingly asked. "Whatever!" then she hung up. Si Kevin ay isa sa mga walang kwentang lalaki na kilala niya. As of the moment, ito ang latest toy ni Cassandra, but she’s planning on dumping him soon. Nakakasawa na ang paikutin ito, wala ng excitement. Nag desisyon muna si Cassandra na umuwi sa mismong bahay niya sa Q.C., tinawagan na rin niya ang kanyang kaibigan na si Gino upang sabihin na darating siya sa paanyaya ng kaibigan. "Baklushi! Where have you been? Ano game ka ba mamaya? Isama mo si Kevin!" sabi ni Gino. "I went to Leandro's mansion. Oo sasama ako mamaya. Without that Kevin loser." naiirita niyang sabi. Pabagsak siyang naupo sa sofa at inihagis ang bag. Natawa si Gino mula sa kabilang linya. ”I know right! I was just joking ‘nung sabihin ko na isama mo sya. So magkita na lang tayo doon ha? We'll make boys drool over us!" "Yeah right! Okay! Magkita na lang tayo mamaya!" sabi niya at ini-end call na. NARITO na sila ni Gino sa Embassy Bar. At as usual, tinginan na naman sa kanila ang mga nadatnan. Kailan ba naman na hindi di’ba? "Hi, Baby! You look stunning tonight!" salubong naman sa kanya ni... Sino nga ba ‘to? She’s really not good in remembering names. Lalo na kung walang kwentang tao. Hahalikan sana siya nito ngunit iniharang niya kaagad ang palad kaya naman dito ito napahalik. Itinulak ni Cassandra ang nguso nito palayo kanya, bakas ang iritasyon sa maganda niyang mukha. "Back off." mariin na sabi niya. Hindi niya ito feel ngayon kaya naman mas mabuti pang lumayo-layo ito sa dalaga kung ayaw nitong makatikim ng taray mula sa kanya. Natawa naman si Gino na nasa tabi ni Cassandra na nasaksihan ang nangyari. Inirapan niya ang kung sino mang lalaking ito bago niyaya si Gino na mag tungo sa bar area upang um-order ng maiinom. "Tequilla for me." sabi niya bartender at kinindatan pa ito. Gumanti naman ng ngiti ang bartender na bakas na nakikilala siya. Sa mga employees ng lugar na ito, kilala na si Cassandra Aragon bilang VIP guest nila. "One tequilla for the Miss Cassandra, coming right up!" Umupo siya sa stool at inilibot ang tingin sa paligid. As expected, most of the guys are staring at her. Ang iba pa ay itinaas ang mga baso nila, at nginingitian siya ng mapang-akit. Ewan ba ng dalaga ngunit wala siya sa mood ngayon na pansinin ang mga ito. Tinaasan na lamang niya ng kilay ang mga naka-tinginan at tinalikuran ang mga ito. Walang interesting na lalaki siyang makita. Inabot na sa kanya ng bartender ang tequilla, ininom nya ito at hinanap sa tabi ang kaibigang si Gino ngunit wala na pala ito. Hayun at may kausap ng foreigner. Hay! Boring! Same old routines. F*ck! Maya-maya pa may tumabi sa kanya na lalaki. Narinig niya na umorder ito ng alak, ‘yung pinaka-matapang. Out of boredom ay sinulyapan niya ang lalaki. Nakita ni Cassandra na kunot na kunot ang noo nito at halos mag dikit ang mga kilay. Sa madaling salita, mas madilim pa sa paligid nitong bar ang aura ng lalaking ito. Marahil ay naramdaman ng lalaki na tinitingnan sya ni Cassandra kung kaya ay nilingon sya nito. Cassandra smiled at him seductively. Hindi familar sa kanya ang lalaki, sa madalas na pag punta nila ng kaibigang si Gino sa lugar na ito ay halos pamilyar na sa kanya ang mga tao rito. "Quit staring.” masungit na sabi ng estranghero. Lalong napangiti ang dalaga. Marahil ay dayuhan nga sa lugar na ito ang estranghero dahil hindi pa siya nito nakikilala. Ito lang ang nangahas na magsungit sa kanya. Hindi pa nito alam kung gaano sya ka-swerte na pinag-aksayahan siya ng oras ng isang Cassandra Aragon? If you want to play games, then game on! Sa isip ni Cassandra. Marahil ay nagkukunwari lamang ang lalaking ito na hindi siya nakikilala upang mapukaw ang kaniyang atensyon. Men and their games. "Then take that handsome face of yours off." sabi niya sa mahina ngunit nang-aakit na tono. No one dared to turn Cassandra Aragon down. Tumigin ito sa kay Cassandra. Bahagya namang lumapit pa si Cassandra rito, making him see her beautiful face clearly. Baka dahil sa madilim kaya hindi nito mapansin ang kagandahan ng dalaga. "Are you alone?" hindi niya alam kung bakit niya pa ito kinakausap. Mostly kasi kapag ganito, iniiwan na niya kaagad. It's not because sanay siya na i-turn down, dahil lahat naman ng lalaki umaayon sa gusto niya. Ngunit hindi niya malaman, basta. Maybe he's the only one na nagsungit sa kaniya, or maybe because ngayon niya lang ito nakita rito kaya napukaw ang kaniyang atensyon. "Yeah. Kaya ‘wag kang mang-istorbo." sabi nito at mabilis na nilayasan si Cassandra. Nagulat at napatulala ang dalaga sa nangyari. Nilayasan siya ng isang lalaki?! Bwisit na ‘yun! Anong akala nito ha? Tanda niya ang pagmumukha nito kaya naman humanda sya kapag nagkita sila ulit! Dahil sa nangyari ay tuluyan nang nawalan ng gana si Cassandra, niyaya na niya agad si Gino na umalis na tutol man ngunit naramdaman nito marahil ang inis niya kaya sumama na rin. Nagpunta na lang sila sa isang coffee shop at tumambay. She lit a cigarette, humithit siya at ibinuga. "You mad, girl?" tanong ni Gino. Kanina pa kasi siya tahimik. Hindi maalis sa isip niya ang lalaking ’yun! "Yeah. Some asshole just ignored Cassandra Aragon." nakasimangot niyang sagot. Natawa naman si Gino. "Really? That's new! Who's the man? I wanna meet him!" Humithit ulit siya at inis na inis pa rin na ibinuga ang usok. "The nerve of that man!' "Is he gwapo?" nakangiti pa rin na nakakaloko si Gino. Inirapan niya ito. "Hindi. Kaya nga hindi tanggap ng loob ko eh." He has that animal appeal. Sobrang hot, ang kinis pa. She bet, meron itong abs! But who cares? Ipagdasal na lang nito na hindi magka-krus ulit ang landas nila or else, he'll pay for what he did. "Oh. Nakakatawa naman, Girl! Hindi talaga katanggap-tanggap ‘yun." She just rolled her eyes.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook