Chapter 1 - Mariposa, The Butterfly of the Night
PATAY-SINDING mga ilaw ang bumulaga sa akin nang magbukas ang entabladong kinatatayuan ko. Nagsimula kong igiling ang aking baywang at hawakan ang malamig na pole na siyang nagpahiyaw sa mga kalalakihang nasa harapan ko.
"Ladies and gentlemen! Mariposa!" That's not my real name. It was just a name given to me. Para lang maitago ang tunay kong identity. Yes! I am an entertainer... or what they called bayarang babae.
Hindi na ako magpapakaimpokrita pa at sasabihing pagsasayaw lang ang trabaho ko sa night club na ito. Of course! I am a slut and I don't give a damn care if they would judge me. Hindi naman kasi alam ng ibang tao ang pinagdaanan ko kaya ako nagkaganito.
Ilang lalaki na rin ang gumamit sa akin at nagpasasa sa katawan ko but none of them had the chance to get me. Hindi ako marupok tulad ng ibang mga babae na kasama ko rito sa bar na sasabihing mahal daw sila ng mga naging costumer nila at balak na raw silang pakasalan.
For Pete's sake! Sinong lalaki naman ang magmamahal ng babaeng nabahiran na ang maduming pagkatao. That's so ridiculous. Kaya ako, I just want to enjoy life at hindi ko hahayaang mahulog sa mga lalaking 'yan. Pare-pareho lang naman sila. Kung hindi pera ang habol sa aming mga babae, katawan ang pinag-iinteresan.
And here I am. Kicking my ass off with this kinky bastards. Binigyan na nga sila ng dalawang ulo, pero isa lang ang gumagana. I'm sure na kahit na sinong matinong lalaki ang iharap sa hubad na katawan ng lalaki, bibigay at bibigay sila. Tulad na lang ng mga lalaking 'to na nasa harapan ko. Wala silang pakealam sa nakakarinding ingay ng mga kasama nila. All they want to do is to see me naked.
Maya-maya lang ay may nasipat akong lalaki na hindi kalayuan sa harap ko. He was just smiling at me. Guwapo at mukhang mayaman ang lalaking 'yon na nakasandal sa bar area holding a bottle of beer while watching me in the middle of the crowd. I'm sure he won't resist with the charm I have and he's lucky because he's the first guy I saw when I'm on stage.
Hindi naging sagabal ang six-inches high heels ko sa pagbaba ng entablado para lang lapitan siya. I quickly moved at his direction and held his shoulders.
"I bet bago ka rito... you wanna have fun?" I asked him while dancing sexily. He grinned and stare at my eyes like he wanted to taste me. Kaunti na lang at bibigay na rin 'to.
"Yes. And I'm so lucky that I saw the sexiest lady here. Sikat ka raw kasi rito." Narinig ko na 'yan. Makailang ulit na. Wala bang bago sa mga sasabihin nila? Oh well... I guess I have to act like I heard it for the very first time.
Kunwari akong humagikhik na parang kinilig sa sanabi niya bago tumugon. "Ikaw naman, masyado kang nagpapapaniwala sa mga naririnig mo. I'm just a girl who wanted to be with you the whole night and make some fun."
Likewise, I said the same line with those boys na gusto lang naman ng ay pagbigyan ang tawag ng laman. Nakakasawa na ang ganoong linya pero okay na rin kaysa mag-isip ako gabi-gabi para lang makakuha ng costumer. Mukha namang naniwala ang mokong na 'to sa mga pinagsasasabi ko dahil hindi pa rin mawala ang malagkit nitong tingin sa akin.
"See you later then?" He just put one-thousand peso bill inside my tong after he said that.
I bit my lower lip and winked at him. "Sure, babe... I'll give you the best night ever."
"Well then, see you later," he said. I don't even know his name and I don't have a plan to ask for it.
I smoothly touch his lips and caress it just to give him the excitement. Isa iyon sa taktika ko para kahit mainip ang kliyente ko ay hihintayin niya ako. Kailangang hindi nila makalimutan ang haplos ng isang Mariposang kagaya ko.
Tama. Mariposa. Isang malayang paru-paro na kahit saan dumapo ay piniguradong maaakit. That's how it is. Kaya iyon ang ipinangalan sa akin ni Mamita - ang manager ko rito sa night club. Siya ang nagdala sa akin dito. Noong una'y hindi ako pumayag na magtrabaho rito. Pero wala akong choice kundi ang sumugal dahil ako na lang ang inaasahan ng nanay ko. Isa pa, paano kami makakakain ng tatlong beses sa isang araw at bibili ng gamot ng nanay ko kung hindi ako maghahanap-buhay.
Kaya kahit labag sa kalooban ko, tinanggap ko na rin. Nasanay na rin naman ako sa ganitong buhay kaya dapat lang na tiisin ko 'to para sa nanay ko.
Matapos ang performance ko sa stage ay kaagad akong nagpunta sa dressing room at nagpalit ng damit. That was my last dance for this night at kailangan ko nang umalis dahil naghihintay na ang kliyente ko.
"Hoy! Nakita ko 'yon, ha?" It was Ruby-not her real name. Lahat naman kami rito hindi sinasabi ang totoong pangalan. Tanging si Mamita lang ang nakakaalam ng totoo naming pangalan.
"Alin?" tanong ko.
"Kunwari ka pa..."
"Aray! Ano ba? Ang sakit n'on, ha?" Kinurot kasi niya ang hita ko kaya napaniwi ako sa sakit.
"In fairness, ang pogi ng bago mong kliyente. Tsaka, mukhang madatung. Pikutin mo na, bakla!"
Umupo ako sa harap ng vanity mirror at binawasan ang makeup ko sa mukha. Masyadong makapal kasi at hindi ako komportable. Para kasing may nakabalot sa mukha ko at hindi ako makahinga.
"Tse! Huwag mo akong igaya sa iyo. Masyado kang..." Tumayo muna ako bago humarap sa kanya para sabihin ang kasunod na sasabihin ko. "...marupok!"
"Hoy! Hindi ako marupok, 'no? Talaga lang kasing..." Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha.
"Ano?"
"Masarap magmahal si Baste." Kinikilig-kilig pa ito habang binibitawan ang mga katagang 'yon.
"Tss! Hindi ka mapapakain ng pagmamahal mong 'yan," wika ko sabay irap.
"Bitter mo, baks! Mag-jowa ka na. Baka sakaling mabawasan amg kapaitan mo sa buhay," sambit naman ni Ruby sa akin habang papalabas ako ng dressing room.
"Pera ang kailangan ko para sumaya. Hindi jowa!" walang lingon kong sagot sa kanya. I don't want to make a long argument. Masyadong mahalaga ang oras ko ngayon para makipagtalastasan pa kay Ruby kaya mas pinili ko na lang na lumabas ng dressing room at tagpuin ang lalaking paliligayahin ko ngayong gabi.